Personal na buhay. Buhay ng Kapitbahay Kaskwela Katrabaho. Showbiz. Pelikula. Politika. Ekonomiya. Musika. o wala lang, yan ang makikita mo dito. Libreng tumambay. Hindi bawal ang magreact, di bawal ang sumang ayon, di bawal ang kiligin, maiyak, matuwa, matawa, matae. Upo na dito. Shot mo na!
Basa.Isip.Basa
“ Things will go where
they're supposed to go if you just let them take their natural course.
Despite your best efforts, people are going to be hurt when it's time for
them to be hurt. Life is like that..
” -Norwegian Wood
Thesis. Productions. Finals. The January pervert. Cried a few times, regretted a lot of things. Lost my phone. Lost myself. Fucked up month. Needed time for myself. Decided to go on Hiatus, to get rid of people I don't need in my life.
Learn how to play the game of trust, know who deserves it, never mind those who don't
Never be afraid of losing people who don’t deserve your time and attention, take the courage to let go and throw them out of your lives
“It’s when problems are shared that solutions are found” – From Chowking’s fortune cookie 01-18-08
“In the end you will always go back to the people that were there in the beginning.” – text quote from Jenny (That’s why I never take my friends for granted... mawala na lahat wag lang pamilya ko at sila.)
“Sometimes it’s not love, sometimes, you’ve just become so attached that you’ve developed a need for that person... Just a need, not love... but you’re too scared to admit it, even to yourself...because you know that if you do, you might lose the only person that actually gives a damn about your life” – text quote from Heyna
Learn to accept and love yourself, walang ibang gagawa niyan kundi ikaw... hindi kailangang nakadepende palagi sa iba ang pagiging masaya.
February:
Hiatus lasted until 11th of February. Started with a blast. Good vibes. Firsts. The longest yet shortest walk . One time big time. Three years ago we were strangers, snap! then we became friends. Finding myself. Brought back the old me. Valentine's darlings for the day with the Singles. A month of finding oneself, month of happiness and dreams turning in to reality.
Don't stop dreaming, never stop hoping, dreams come true... kahit one time big time.
March:
A month of closing chapters and opening new ones. Graduation. Inumans as usual. Few heart to heart talks with friends.
Treasure the friends you have, always be there for them
Learn to accept changes in your life. Let go move on and be happy
April:
Early summer getaway. Bad news. "The world spins constantly, so does the color wheel". Sad month. Month of pain, regrets and wishes. pressure cooker 1 2 3 kaboom! Hello panget kamay!
The world spins constantly, so does the color wheel – ana
“Kahit ikaw ay parang bato manhid at walang pakiramdam, mag-ingat ka dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan... kaya mo namang makasakit” – Bob Ong
NEVER BUKSAN ANG PRESSURE COOKER HABANG KUMUKULO
May:
Turned 21. Dead Stars. Deleted my old blog, trying to move on I guess. Deleted the entries but still saved a few. Moved to blogspot. Promised to write happier entries.
“You’re gonna have your good days and your bad days”- South of Nowhere
“So all these years-since when? - he had been seeing the light of dead stars , long extinguished, yet seemingly still in their appointed places in the heavens.”-Dead Stars
Know when enough is enough.
June:
I was badly missing college life. A friend died. Had a sudden change of heart. Put half of my walls down. Still confused and hesitant though. Fears. Had my first ever exam and interview. Screwed up. Got reunited with my grade school and high school friends.June was a month of gambling,a month of courage.
Don't try to push people out of your life, no one deserves to be taken for granted
Even if you have new people/friends in your life, never forget those who were part of your past, for you will never complete your life’s puzzle if you lose some of its pieces.
July:
Indie month. Mommy and Daddy had to go to Cebu. Responsibilities. Growing up. Maturity. Hated the rain for reminding me of things/people I was trying to forget. Misunderstandings. Tried to give it another shot. Second chances.
Never assume
Learn how to take responsibilities
Always be mindful of the things you do and the words you say
August:
Driving lessons. Ate was back from Dubai. Eheads reunion concert. Finally decided to get rid of the old dust to let the new ones in.
No two things can occupy the same space at the same time – law of impenetrability
Letting go might be hard yet it is the best way to let another stay
September:
Chill month. Inumans
Find some time to chill, find and reconnect with the things or people you've grown apart from
Drink.Get drunk.Laugh.have fun... then die haha
October:
A month of firsts. Major changes. Leaving comfort zones. Facing fears. Got hired. First work ever. Lots of inumans. Ate was back from Dubai again. Had my very first paycheck ever. Hello poverty. Finally decided to take my chances, cross the street, take the risks, throw myself in to the lions den.
“I don't know why we put things off, but if I had to guess, I'd have to say it has a lot to do with FEAR. Fear of failure, fear of rejection, sometimes the fear is just of making a decision, because what if you're wrong? What if you're making a mistake you can't undo? The early bird catches the worm. A stitch in time saves nine. He who hesitates is lost. We can't pretend we hadn't been told. We've all heard the proverbs, heard the philosophers, heard our grandparents warning us about wasted time, heard the damn poets urging us to seize the day. Still sometimes we have to see for ourselves. We have to make our own mistakes. We have to learn our own lessons. We have to sweep today's possibility under tomorrow's rug until we can't anymore. Until we finally understand for ourselves what Benjamin Franklin really meant. That knowing is better than wondering, that waking is better than sleeping, and even the biggest failure, even the worst, beat the hell out of never trying.”---Greys Anatomy
“BOUNDARIES don’t keep other people out, they fence you in. So you can waste your life drawing lines? Or you can live your life crossing them. Because here’s what I know, if you are willing to take the chance the view from the other side is Spectacular.”---Greys Anatomy
November
Reunion. Wanted to quit my job. "Nagsisimula ka palang quitter ka na" - Mommy
Patience is a virtue ahaha!
December
December 5 was my last day of being a copywriter. I sure am gonna miss them. Had a burgis Christmas party. Applied again and got hired. Got my license. Family reunions. Back to Bulacan. And just recently found out I've been lied to thank you very much.
Again Patience is a Virtue
AGAIN learn how to play the game of trust
Learn to hate pride
All in all my 2008 was full of Ups and Downs, Yeheys and boo-hoos. But at least I managed to see the lessons in those downs and boo-hoo moments and even in the ups and yeheys hahaha. This year I’ve gained lots of new friends, and unfortunately lost some. I’ve made decisions, and regretted some. But all is done. I wouldn’t want to waste my short life looking back, feeling bad and regretting things.
and so i quote.....my 18 year old self ahahahahhaha
...always remember to look on the brighter side of life, appreciate every moment, every little thing around us, enjoy each and every moment in life, even the fucked up ones... because in this journey, you can only go forward... there’s no turning back..
Yehey thank you 2008!
I'm ready to let you go.
Good bye!
I'll miss you. I'll miss the old me... young, careless, and stupid.
aay kinakabahan! wish me luck! hm.. ang buong detalye.. pag uwi ko sa friday haha kung may lakas pa..o kung may matira pang self-esteem :)
anyway this coming friday i'll be helping my mom and her fratmates sa isang service nila somewhere with the red cross. not naman helping as in help talaga i'll be there for support ahaha and to take pictures na din..and to have na rin check-up para malaman if i can donate blood or not..sana pwede, kasi that's one thing i wanna do before i die ahaha ma-experience manlang to donate kahit one bag lang ng blood..yun e kung blood nga ang mapiga nila sakin at hindi alcohol ahah..pero haven't been drinking A LOT lately... a lot ah hindi ko sinasabing hindi talaga ko umiinom..not like when i was in college almost every day or every other day akong nasa BAHAY INUMAN haha! hay i miss those times, haha wala na kong choice ngayon kundi mamiss nalang ang college days kasi di naman na mababalik yun. Ok lang that's life :)
so there, i'm planning to donate blood this coming friday, pero that's not what i'm worried about. before going to the red cross thingamajigs my mom and i will go somewhere pa...ayayayay ayan na ambilis na ng puso ko baka di ko mahabol...
WARNING: ISA ITONG NAPAKAHABANG POST... DI KO ALAM KUNG MAY KWENTA TO SA'YO PERO SAKIN MERON...KUNG LABU-LABO MAN ANG PAGKAKASULAT PASENYSA NA.. walang edit edit kasi..kung anung maisip ko type lang..
Hindi ko masasabing solid na tagahanga nila ako, sa totoo lang never pa akong nakapunta sa gig/concert nila nuon. Two years old palang ata ako nung nabuo ang banda nila, kaya hindi ko din masasabing panahon ko nga sila. Pero ang sigurado ako, bata palang ako naririnig ko na sila at nakikita sa TV.Bata palang ako kinakanta ko na ang mga kanta nila. Bata pa lang ako sila na ang background music ko tuwing nalulungkot ako, tuwing masaya ako, tuwing kahit anong mangyari. Pasalamat ako sa Ate ko na kasabay kong nag aabang sa kanila sa TV, sa Ate ko na tuwing naglilinis ng bahay e pinapatugtog yung cassette tape nila. Naalala ko pa t’wing uuwi kami sa probinsya para magbakasyon palaging nakasalang ang mga cassette tapes nila sa stereo ng sasakyan namin. Hindi ko napapansin ang zigzag at nakakahilong daan papuntang Bicol dahil sinasabayan ko yung mga kanta nila. Halinhinan ang mga kanta nila at ng Yano sa pagtanggal ng pagkabagot ko sa mahabang biyahe papuntang Bicol.
Nuon pwede pa kong maligo sa ulan kahit nakashorts lang at walang pang itaas, magtatakbuhan kami ng kuya ko at ng mga kalaro namin sa bakuran naming malawak pa noon, tapos lalangoy sa fishpond ng lolo ko, bubugawin lahat ng manok na panabong ni Daddy na nakakalat din sa noong malawak pa naming bakuran. Kapag umaambon pa lang at nagsimula na kaming maligo, papagalitan kami nila Lolo’t Lola kasi nga naman magkakasakit kami. Isang beses, hindi ako pinayagang maligo sa ulan dahil mahina pa daw yung ulan, eksaktong pinatutugtog sa radio nun yung “Tuwing Umuulan at Kapiling ka”. Tandang tanda ko sinabayan ko yung kanta....”Buhos na ulan aking mundo’y lunuring tuluyan..” sabi naming dalawa, hindi ko alam kung pangit lang talaga ang boses ko o nung panahon na ‘yon nakinig sakin yung ulap.. biglang lumakas ang ulan kaya nakaligo kami ng kuya ko sa ulan. Simula non sa t’wing nahihiyang bumuhos ang ulan, kinakanta ko yun. Masaya ko no’n t’wing umuulan dahil nakakpaglaro kami nila kuya, hindi pa ko marunong gumawa ng bangkang papel non kaya nagpapagawa ako sa kanya, minsan kay Lolo tapos ipapaagos naming sa tubig. Malinis pa no’n yung tubig na umaagos sa kalsada wala pang kasamang mga basura.
Isang beses nung umuwi si Ate galing sa dorm niya, kinuwento niyang nagpunta sila nung fair nila at tumugtog. “Nagkagulo lahat, syempre puro babae e diba? May mga tumutuntong sa upuan tapos nagbubukas sarang payong.. tapos may naghahagis ng mga durog na Chippy!” yan ang kwento niya sakin non. Dahil bata pa ako at ni hindi pa pinapayagang pumunta sa Birthday ng kaklase ng walang kasamang matanda..hindi din ako malamang nakakapanood ng mga ganun, ni hindi nga ako pinapayagang bumili sa tindahan ng mag-isa. Kuntento na kong nakikita sila sa TV, sa songhits, sa Chippy at Burger Machine Commercials, kuntento na kong naririnig sila sa radio. Kuntento na ko sa mga kwento ng Ate ko.
Sabi ko pa nuon pag malaki na ko panonoorin ko sila.
Ngayon laos na ang cassette tape, may gumagamit pa nga ba nun sa panahon ngayon? Sa panahon na kahit ang discman ata ay wala na rin sa uso? Nadagdagan na ng 19 pang taon ang edad ko simula nung magbuo sila ng banda. Ilang taon na din kaming hindi bumibisita sa Bicol. Hindi na rin kami dumadaan sa zigzag na daan tuwing uuwi do’n. Ilang beses na din napalitan yung putting Toyota Corolla ni Mama na gamit naming tuwing uuwi ng Bicol. At yung driver namin nuon, halos hindi na nakakakita ngayon. Kagaya noon madalas pa rin silang nasa TV, at radio, ewan ko lang sa songhits dahil simula nung nauso ang internet hindi na ko bumili ng songhits para tingnan ang chords ng mga gusto kong kanta. Pero hindi tulad ng dati, ngayon makikita mo sila pero hindi na magkakasama. Maliban syempre kay Buddy at Raimund na parehong nasa Cambio.
Ngayon kapag naligo ako sa ulan ng nakashorts lang at walang pang itaas siguradong mahihibang ang mga makakakita sakin at iisiping baliw ako at babarilin ako ng tatay ko. Oo flat parin ang lahat sa akin..pero ika nga nila dalaga na ako.
Lumiit na din yung dati naming malawak na bakuran. Nailipat na din yung mga manok na panabong namin sa farm, nadagdagan ng dalawang Kabayo at ilang mga kambing ang alaga naming, hanggang sa namatay, nanakaw, binenta at pinamigay na silang lahat.
Ngayon kahit maligo ako sa ambon (nang kumpleto ang damit syempre), sa medyo malakas na ambon, o sa ulan na may kasamang kidlat wala nang magsesermon sakin. Grade 3 ako nung namatay si Lola, Christmas break naman nung 2nd or 3rd year college ako nung namatay si Lolo.
Marunong na rin akong gumawa ng bangkang papel ngayon, pati eroplano alam ko nang gawin, pati pag balot ng marijuana alam ko na kung pano (joke lang yan ang maniwala utu-uto). Ngayon kung papaanurin mo ang bangkang papel mo sa baha.. hindi na uusad dahil madaming basurang tangay tangay yung baha. Hibang ka din siguro kung maglaro ka pa sa baha sa panahon ngayon, dahil hindi mo alam kung anung kasama ng bahang umaagos sa kanal, kalsada o kung san pa man yung umaagos. Limot ko na din ang mukha nung mga kalaro namin ni Kuya nuon. Pero naririnig ko minsan na kinukwento ng Nanay ko na may anak na at pamilyado na ang halos lahat sa kanila.
Over na din si Ate sa pagiging groupie stage niya. Matagal na siyang hindi nag-aalak, nag yoyosi, at kung anu pang maisip niyong bisyo. Kung dati hindi ako pinapayagang pumunta sa kung saan ng walang kasama, ngayon ako na ang sumasama sa bunso kong kapatid sa kung san man siya pupunta. Ilang beses na kong umalis at hindi umuwi. Ilang gigs na rin ang napanuod ko. Sa mga gigs na yun, nakita at narinig ko silang apat... kumakanta, tumutugtog sa magkakahiwalay na banda. Ngayon hindi na din ata uso ang lumilipad na durog na chippy, nung huling nanood ako ng gig... mga bote ng mineral water ang lumilipad.
Nagpalit palit na din ng endorser ang Chippy. Naging Parokya ni Edgar, at yung “Kami po ang tear here!” At ang NAPAKASIKAT na Halika Tikman ang Langit Burger Machine nuon, ay Burger Machine naLANG ngayon...
Ngayon, malaki na nga ako...literal man o hindi ang usapan.
Nag reunion concert sila, sa kasamaang palad hindi ako nakapanood dahil nung araw at oras ding yun hinatid naming si Ate O. sa airport dahil pabalik na siya ng Dubai. Nung padaan na kami sa The Fort, nakatanggap ako ng mensaheng pinutol ang concert dahil nga kinailangang dalhin si Ely sa ospital. Sayang. Malaki na nga ako, pero di ko parin sila napanuod...pero sige ok lang ay hindi pala ok..pero wala naman akong magagawa e
Habang hinihintay kong lumaki ako at payagan nang pumunta at manood ng mga banda ang daming nagbago sakin, sa iba sa halos lahat ng bagay sa paligid. Nagbago ako ng mga pangarap, paniniwala at tingin sa mga bagay bagay.
Natuto na ko at nalimutan ko na din kung pano mag gitara. Hindi kagaya dati na umiiyak ako at ayaw kong pumasok sa school dahil boring ang pag aaralan (parts ng fish), ngayon tapos na din akong magsunog ng kilay. At madaming madami pang nangyare at nagbago.
Ngayon kapag nagbbyahe kami ng malayo o kahit malapit pa hindi na Casette tape ang baon naming kundi CD (Eraserheads Anthology 1 and 2). Nung naggraduate ako nung college paulit ulit kong kinakanta yung “Sa Wakas”. Madami akong naaalala tuwing naririnig ko mga kanta nila, minsan malungkot, minsan masaya, minsan chill... Siguro nga kung gagawa ako ng soundtrack ng buhay ko marami raming kanta nila ang mapapasama.
Tuwing maririnig kong sasabihin ng mga tao na “Sayang sila..” “Kung hindi sana sila nadisband...” Anu nga bang nakakapanghinayang? Hindi naman sila nawala talaga, hindi naman nalalaos at naluluma yung mga kanta nila. Ilang beses mang pakinggan hindi nagagasgas. Paulit ulit mang kantahin hindi napagsasawaan. Magbago man ang lahat ng bagay, taas baba man ang presyo ng gasoline..pag dating sa kanila wala namang nag/magbabago...
Nagmahal man dating halagang 600 pisong chucks na ngayon higit 2,000 piso na. Madami mang nagsulputang bagong genres. Madami mang nauso, at nalaos. Madaming banda man ang umangat na sa mainstream at lumubog. Maaaring may kanya kanya na nga silang tinutugtugang banda ngayon, marahil hindi na talaga sila magsasama sama bilang isa... bilang banda na kinabaliwan at kinababaliwan parin ng marami hanggang ngayon, hindi mapagkakaila na nag iwan sila ng malaki malalim at permanenteng marka sa Pinoy Music Industry.
Sa paniniwala ko hanggang hindi namamatay ang Industriya ng Musikang Pilipino...
Sila ay mananatiling sila...
nandyan, nandito lang
P.S
Hangga’t hindi namamatay ang Industriya ng Musikang Pilipino...
(Wag naman natin hayaang mangyari to, let’s support local bands...wag magpaakit sa murang OPM pirated CDs please)
Kahapon first day ko sa driving school matagal nang pinlanong mag enroll pero kelan lang nakakuha ng student's permit..sobrang katamaran at dahil sa paglipat lipat na din ng LTO, pasaway.Pero ayos na din dahil mas ma-okay yung pwesto nila ngayon. Anyway bakit naimbento ang manual na sasakyan? ang sakit ng katawan ko 2 hours lang yun ah.. at kotse pa yun gamit.. sino bang nagsabi kasing mag-aral akong magdrive?? Ang sarap kayang magmuni muni habang nasa passenger's seat noh! Pero okay na din feeling ko plus 20% maturity sakin! Ayun isa pang narealize ko peste ang karamihan ng mga truck at jeepney drivers... napa- "aaaay" nalang ako nung ni-sandwich nila ako. Anyway, once lang naman ako namatayan ng makina ahaha nagpanic kasi ako:
Kuya Ariel: Shift to gear 3
Kotse: *deads*
Kuya Ariel: O nakalimutan mo na? Wag ka mataranta..
Ako: E kasi kuya andaming nagpopotpot eh
Hahaha nanisi pa ko talaga noh? pero kanina okay naman na, ma-okay na din ako mag U-turn.. sabi nung isang instructor pwede na daw akong driver.. naisip ko lang GOODLUCK talaga noh sakit sakit kaya sa katawan... mas gusto ko nalang talagang magmunimuni sa passenger's seat kasi dun pwede nakataas paa.. habang kumakain ahahah or sa likod nalang nakahiga pa ko ahahaha! tamad amp.
Anyway kesa naman nga mabulok ako sa bahay.. mag iisip na lang ako ng mga gagawin ko pa hahah! check na un driving chumenelyn..goal ko talaga yun na before matapos ang August e nakapa driving school na ko..yes sa wakas may na achieve din na goal ahaha ay wala pa pala dahil di ko alam kung matututo ako hahah
Pag-alis ni Ate O. balik nanaman ako sa boring kong buhay haha! tsktsk inaamag na ang journal ko..walang mailagay.. kinakalawang na ang buhay ko.. baka mabore na ko ng todong todo masama ito..
KASABAWAN:
Kanina pag gising ko.. sobrang kasabawan ni-on ang PS2.. ni-on ang TV gamit ang remote..sabay lapag sa tabi ko.. tapos may tumalsik na tubig.. tingala sa kisame.. huh? wala namang tulo.. andaming talsik ng tubig.. paglingon sa tabi ko.. AAAAAAAAAY!!! Nagdive ang remote ng TV sa basong puno ng tubig.. malamig lamig pa yung tubig.. na by the way e kinuha ko bago ako umupo at mag-on ng TV!
Isa pa...
Abie: Ate papatay ng ilaw sa kwarto..
pagpindot ng switch namatay ang ilaw sa sala... AAAAAAAAY!! SORRY!! ni-switch ko ulit ilaw sa kwarto ni abie.. hindi nabukas yung sa sala..
EHEM ang sabaw ko lang!!! Si kuya yung nagswitch nung ilaw sa Sala!!! at EHEM ang switch lang sa kwarto nila Abie ay para lang sa ilaw sa kwarto nila Abie.. Tawang tawa kaming lahat napakasabaw ko lang talaga ngayong araw na to...
PAGBISITA:
May Flu si Abie, exam niya on Wednesday yung mga books niya for Wednesday nasa classroom nila.. So pinuntahan namin ni Mama kanina bago kami magtagpo ni Kuya Ariel. Para sa inyong kaalaman dun din ako nag highschool at nag grade school. Pagpunta namin sa Library, narealize ko wala masyadong nabago.. parang wala din bagong libro simula nung nag graduate ako. Hindi ko masabing at home ako, dahil hindi na talaga.. sa sobrang tagal sigurong hindi ako nadalaw.. o baka dati pa hindi na talaga ako at home dun.. ang weird lang ayokong grumaduate dati ng highschool kasi ayoko sa ibang world haha ngayon narealize ko mas umokay ako as a person sa mga taong nakilala at nakasalamuha ko sa college.. dun mas at home ako dun mas napakita ko yung totoong ako..
Tapos nung palabas na kami dun kami sa gate ng gradeschool dumaan dahil dun din kami nakapark.. sinilip ko kung nandun pa yung Mango tree na inukitan namin ng initials ng bestfriend ko nung grade school... pag tingin ko wow ang laki na ng puno!!!!!
pag tingala ko.. AY MALI PUNO PALA NG DUHAT YUN ahhahahahhahahahahha tangena dapat sa kasabawan part pala to noh!?
so ayun wala na si mango tree..
yun lang..
wala namang kwenta tong post na to ahahah! sorry sinayang ko ang oras mo..
namimiss ko nang magsulat ng mga bagay na may saysay..
When I checked my phone this morning, there was a message from Ate O. I opened it and read it, and this was what was in her text message:
Alam mu ba aug 17 na ko uuwi? Ipinakiusap ako nung isang leader sa mataas na pinuno. Naiyak ako hahaha. blahblahblah then details ng pagdating niya
For those who are naiintriga, my sister left for dubai to work for an airline company few months ago, mga November I think. Saming magkakapatid siguro siya yung pinakaka-close ko because we're both maarte, loud, maldita, maloko, lasengga, laitera, lakwatsera,ukay ukayeras atbp. (haha parang puro nega yun ah). Anyway, since she left mejo tumahimik dito sa bahay dahil nabawas ang kaingayan niya, plus dagdag mo pa na yung other sister kong si Ate Monette ay may work na, si Abie nagsschool na, and Daddy's already in Cebu. Tahimik na talaga yung bahay.
I'm very VERY very VERY excited sa pag uwi ni Ate O. kasi uuwi din si Daddy.. November pa kami huling nakumpleto. Pero alam ko mas excited sila, lalo na si Ate O. Actually dapat bukas na ang uwi niya, after ng shift niya uwi na siya dito kaya lang hindi daw na-approve yung replacement thingamajigs so na-move ng 18. At kagabi nga lang e na-move na ng 17.
Kung titingnan mo, ilang days lang naman yung difference pero big deal sa kanya yung ilang days na yun.. Kung pwedeng pinaka pinaka pinaka ASAP e AASAPAN niya na talaga.
Yun ang mahirap talaga when you're working miles away from home matatalo ka talaga ng homesickness. Though you get to talk to your family through text, e-mails, and IM's iba pa din yung sabay kayong shumashopping, sabay kumakain, sabay nalalasing haha! I can't say na I had the total experience na ma-homesick. Konti lang yung compared sa kanya. Anyway, last summer 2007 I had to stay at my friend's house for like a month or two ata because of my OJT. I was excited at first kasi nagniningning sa isip ko yung "ALAK EVERY NIGHT, MADALING ARAW NA UWI GALING SA INUMAN, LAKWATSA atbp" Nung una nag eenjoy ako talaga, kaya lang kasi birthday ko nung isang araw tapos na-sad ako kasi di ako nagcelebrate with my family, nagcelebrate ako nung weekend before nung birthday ko. Tapos nung night nung birthday ko, tatlo lang kami nung friends kong umiinom, monthsary din nila yun so double celebration. Tapos nag away pa sila hahaha! Happy birthday talaga, so we ended up sleeping nalang kalahati lang ata yung nabawas dun sa alak. After nun namiss ko na ang bahay namin... at sabi nga sa isang Eheads song "mahal kita pero miss na miss ko na ang aking kama.. at ang malupit kong unan.." Kaya sabi ko, uuwi na ko. Kaya ayun umuwi nga ako nagpasundo ako sa ABS-CBN sa aking mga magulang at sinama nila ko sa Tagaytay uminom kami ng walang humpay lasing kaming dalawa ni Daddy ahahah!
Ay andami kong segue anu ba yan...
Ang point ko lang naman..
UNA: Mahirap talagang malayo ka sa family mo, kahit sabihin mo pang limpak limpak na salapi ang sinusweldo mo.. kahit sabihin mo pang pwede kang lumangoy sa alak gabi gabi ang all. Dadating at dadating talaga yung time na mahohomesick ka
PANGALAWA: Excited na ko sa pag uwi ni Daddy, at lalo na ni Ate O. na mga pinaka-close ko sa bahay na ito.. akalain mo noh sila na nga yung mga pinakanakakasundo ko nagsi-alisan pa.. Excited na ko talaga hindi dahil sa mga pasalubong na dala nila..(pero sige na kasama na'rin yun..ps3 come to Ana!) Excited ako kasi macocomplete na kami ulit... ay hindi padin pala dahil wala na si Ash.. so sad.. ahaha labo ko
PANGATLO: Ang bilis ng panahon, kahapon nagmuni muni kasi ako.. naalala ko yung sarili ko yearsssss before.. isang summer day, nakahiga ako sa sofa namin sa may bintana..ginagawa ang favorite kong gawain tumanga.. sabi ko sa sarili ko anu kayang buhay ko after ko mag aral, anu kayang ichura ko pag dalaga na ko.. mga ganun ganun.. tapos naisip ko andito na ko sa stage na dati tinatanga tanga at sinisilip silip ko lang sa bintana noon... tapos dating dati pa naalala ko nag ffiesta carnival pa kami. hahah tapos pag nagbabakasyon sila sa QC ng one week at iwan ako dito sa Antipolo mabuang buang na ko sa pagkabored at pagkamiss sa kanila.. tapos ngayon ang usapan na Dubai..Cebu.. Antipolo.. haha pero teka parang di na ko nakamove on ah ako padin yung iwan sa Antipolo???? ahahaha
PANG-APAT: UUWI NA NGA SILA!!!!!!!! UUWI NA UUWI NA UUWI NA!! sobrang saya ko lang bow.. sana safe ang maging biyahe nila.. NAIA hintayin mo ko magkikita nanaman tayo! :)
wiii!!! KO, ate O. and me @ a secret jolog bar with jolog people where I got really drunk and tripped off the stage ahahah sa ngalan ng Chicosci!
ate O. cha and me @ Miriam ANO?! concert.. isaw galore, again nakainom pero di lasing :)
gate crashing the MCfreshmen's night hahaha
at the Our Lady of Manaoag church ate monette, abie, ate oyang , mommy
i don't have pictures of daddy and kuya dito na bago eh ahahah yan nalang sobrang luma payatot pa si daddy hahah ngaun parang jimmy santos na...wala kaming family picture na complete eh..pero promise pagdating nila meron na :)
how vintage.. that's kuya, ate o. and me.. watching shake rattle and roll ahahha
Maaga naman akong nagising, wala padin akong naabutan? hahaha! uhm nasan ang mga tao sa bahay namin??? rar this'll be one really boooring day..
or so i thought..
bahay: since wala si lynda at ako lang mag isa.. ako nagluto at nagwash ng dishes..rar! ang baba ba ng kitchen sink namin o matangkad lang ako? sakit sa likod pucha! ate lynda pumasok ka na bukas ples! anyway sa takot kong mabore ako nilinis ko ulit yung room ko at iniba ko yung ayos...hmm wala naman nagbago panget pa din ahhaha!bigla ko atang pinagsisihan yung pag sulat ko sa walls kasi di ko naman natuloy na.. at mukhang madungis dahil panget ang handwriting ko haha..hmm kailangan na sigurong paintan nalang..
career: kailangan ko na bang maghanap ng work? ahaha sabi nung isa kong classmate kinakalawang na daw ang creativity niya dahil di daw nagagamit sa work na pinasukan niya.. e pano pa kaya yung skills ko noh? (kung meron man)ang gulo kasi, minsan gusto kong magwork na pero madalas ayoko ahhahah labo..may e-mail akong natanggap, sabi ko ayaw ko sa ganung field pero pinag iisipan ko din kasi mukhang fun din naman at ok yung company, ewan ko lang yung compensation but at least dito siguradong hindi bahay ahaha at hindi bumabaha ang sakayan kahit pa may magwiwing dinosaur. I think i'll try, pag hindi ako natanggap ibig sabihin 'di ako meant sa field na yun.. wachutink papa lord?
pamilya: Konting tulog nalang dadating na sila yehey.. bilisan niyo nang umuwi ples! dali na dali naaaa! 4 days nalang tama ba? sana friday na agad.. sana mabilis nalang yung tuesday to thursday..tapos pagdating ng friday hanggang mga next days bumagal na ahaha!
Kailangan na ng guinea pigs at hamsters sa bahay na to
got wasted on Jul 4, 2008; 12:33 PM
Malapit nang maging boring ang bahay na 'to.. hindi 'tong blog ko ang tinutukoy ko kundi yung totoong bahay mismo...
Siguro simula next week pagkakamalan nanamang abandonadong bahay ang bahay namin.. kagaya nga ng nakwento ko sa luma kong blog.. napagkakamalang haunted house ang bahay namin hindi daw nila nakikita masyado yung mga taong nakatira dito.. bukod pa don laging sarado yung mga bintana ng bahay, at puro yung malalaking aso lang namin ang nakikita nila.
Nung isang beses pa nga.. umagang umaga nagpapatugtog ng napakalakas yung kapitbahay namin as in akala mo may concert sa tabi ng tenga mo.. pinuntahan ni ate ata? di ko maalala basta pinahinaan nila kasi nga maaga pa yun at may natutulog pa samin.. ang sabi ba naman ng kapitbahay "Ay akala ko kasi soundproof yung bahay niyo" ay? baliw..
Anyway, balik sa dating topic... simula next week boring na ang bahay.. Actually nagsisimula na nga siyang maging boring ngayon pa lang..
Umalis na si Daddy papuntang Cebu... hinatid namin siya sa airport nung isang araw. Dun siya magsstay dahil nga sa bagong company na itinayo niya don.. So kung uuwi man siya dito siguro bakasyon bakasyon lang.
Since kailangang irenovate, pagandahin, iayos ayon sa theme yung building na gagawing office nila Daddy... kailangan ang talent ni Mommy.. so baka bukas, or sa sunday e sumunod na si Mommy dun. May katagalan yun dahil may kalakihan din yung irerenovate, so malamang sa malamang ay aabutin siya dun ng isang b'wan o mahigit.
Pagkatapos ng mahabang panahon ng pag rerest ni Ate M. at pag mamasteral (na hindi pa pala niya tapos ang thesis niya) ay balik trabaho na ulit siya. Start na ng work niya sa Monday so malamang mula pag gising ko e wala na siya at uuwi siya ng gabi na.
Si Ate O. naman medyo namimiss ko na ang kaartehan haha joke... ay nasa malayo kung san may disyerto at mga kamelyo... kung san may eroplano at mapulang lipstick.. Gumising man ako ng maaga o hindi man ako gumising maghapon, hindi ko talaga siya makikita.
Si Kuya, ay tila border simula pa dati... Kung umalis man siya o magstay sa bahay.. walang pinagkaiba dahil kapag nandito siya maghapon magdamag siyang nakaharap sa laptop at naglalaro ng Dead Awaken kung hindi ako nagkakamali... Minsan naman kapag nandito siya kasama niya si Baby kaya parang wala din sila.. Kapag wala naman siya.. ahaha teka lang ah parang naguguluhan ako sa sinasabi ko.. ok game.. pag wala naman siya nasa review center siya (oo 'di matapos tapos na review para sa ECE Board exam.. sino ba gumagawa ng exam na yun sasaksakin ko pahirap eh) at kadalasan 'di din naman siya umuuwi.
Si Abie na nasa "pagrerebelde/pagpapasaway" stage niya palang ay palagi din wala dahil sa school.. At pag uwi niya naman busy siya sa assignment niya at sa pag iinternet.. Isa pa yun kapag naharap sa laptop at nagchachat na ay hindi na makausap ng matino.. Hindi rin naman siya makausap ng matino kahit wala siyang ginagawa kasi nga nasa "pagrerebelde/pagpapasaway/matured na ko wag kang magulo" stage na siya.. So kung hindi ka niya pipilosopohin ay susungitan ka niya ng todong todo haha!! At by the way minsan e nagkukulong lang siya sa kanyang kwarto emo emohan ahahha!
Sino pa ba?.. Si Ash naman hmm ewan ko lang kung tapos na sa decomposition stage.. haha namimiss ko na si Ash..
Si Ate Lynda... si Ate Lynda ay palaging busy kay BIONIKA haha para sa impormasyon ng nakararami si Bionika ang bida ng paborito niyang radio drama.. meron pa siyang isa pang favorite e.. nakalimutan ko na yung title.. Anyway, si Ate Lynda ay pumupunta dito tuwing umaga para magluto, maglaba, maglinis tapos uuwi siya ng mga 5 or 6... Funny siya sobra, mukhang kontrabida pero major comedyante.. pero gaya nga ng sabi ko busy siya palagi kay Bionika.. At madalas siya nangangarap sa likodbahay kapiling si Bionika..
At ako... hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko at sa boring na bahay na 'to simula next week. Pero nitong mga nakaraan e lahat ng mag imbita ng inuman basta malapit at may bantay sa bahay go ako. At syempre pala kapag may pera.. teka naisip ko.. hindi na ko pwedeng hindi umuwi... at umuwi ng madaling araw simula next week dahil sa lahat ng mga nakasulat sa taas.. oh no! Bakit nila 'to ginagawa? Hahaha ay teka sasagutin ko yung tanong ko... Ginagawa nila yan dahil wala namang choice eh..Bum ka, ikaw lang ang hindi busy.. AWTS! Sabi ko na nga ba dapat sinipot ko yung mga interviews eh.. Hahaha! Alam ko na dapat na talaga kong maghanap ng work, gumising ng maaga, sumipot sa interviews, umiwas sa sakit... dahil kung hindi mamamatay ako VB VB VB VB VB VB VERY BORING!
Hay nako.. yung feeling ko ngayon.. parang lahat ng nasa paligid ko ang biliiiiiis biliiiiiis biliiiiis tapos ako nakastop lang... lahat busy ako lang hindi..
Tapos kanina naisip ko.. siguro ganto yung feeling ni Peterpan nung iniwan siya ni Wendy at ng Lost boys sa Neverland.. but atleast he has tinkerbell and he can fly.. hahaha wait sorry naimagine ko si Ate Lynda naka-tinkerbell costume ahahahahhahahh shet!
Hay nako siguro dapat bumili ako ng madaming guinea pigs o kaya hamsters tapos sa umaga papakawalan ko sa iba't ibang parts ng bahay... tapos maghapon hahanapin ko sila tapos ikukulong ulit tas kinabukasan ganun ulit.. pamatay bagot lang hahaha
Ang sobrang nakakapagod na trip to Pagudpud, Ilocos Norte... masakit sa pwet haha! pero okay lang very masaya... uhm siguro tama na daldal noh? sige sige pictures na nga lang... quiet na Ana quiet na!
pero bago ang pictures nung Pagudpud ibibida ko muna yung kamay kong biktima ng ka-violentan ng pressure cooker hahaha fugly.. nakakainis talaga..pero na sya ngayon though may konting bakas pa hindi na sya ganyan kalala..
Kala mo malapit na? nagkakamali ka.. mga 3-4 hours pa...
tapos nag stop kami sa may view deck sa Bangui para silipin yung Windmills na btw e pinuntahan namin nung pauwi na kami... giaaaant.. mamaya maya makikita mo ang pictures :)
Tapos may lighthouse din akong nakita...dream kong tumira sa lighthouse dati..pero ngayon hindi na ahaha! inakyat namin ang lighthouse na yan ay josko nakakapagod pictures? mamaya maya din..
aaaayan naaa nababasa mo yan? Welcome to Pagudpud na salamat naman
Dagat sa may likod ng bahay where we stayed..
Yiheee malapit na kami... Blue lagoon beach :)
at nandito na nga kami yehey!!.. uhm ayun nga weird kasi biglang lalim ung tubig, asa may buhanginan ka palang lakad ng konti aba hanggang bewang agad!
tapos naglakad kami nila ate...from dulo to dulo haha..ayun andaming kakaibang creatures. tapos si ate tuwang tuwa kakaswim, picturan ko daw siya habang naka-mermaid pose.. tapos biglang sabi ni kuya "Wag ka dyan may ahas o!" at janjararann meron nga.. yung striped black and white pero mejo maliit palang naman..
then to Patupat Rd.
tapos sa Saud Beach naman..kung san nakita namin si janjararann Kungfu Kid!
o eto na yung Windmills!! Up close and personal ahaha grabee gigantic electric fans 13 ata yun lahat lahat kung di ako nagkakamali
And as promised, eto ang lighthouse pictures... ang taaaaaas! yes inakyat namin hanggang tuktok ng lighthouse..spiral stairs..tapos ladder.. et voila ayan na yung ilaw! grabe nakakakiliti ng tuhod ahaha
Tapos Marcos museum.. bahay nila yan..bawal magpicture dun sa loob kung nasan yung wax na Macoy eh pupuslit sana ko but then again hello policeman ahaha
at ang bonggang bonggang Malacanang of the North
at syempre pa... Vigan!
Tapos pauwi na yehey... huling sunset bago ako mag-21 haay..