http://www.makepovertyhistory.org save water... drink vodka <body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d994695429695765293\x26blogName\x3dBananarhuma...\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananarhuma.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananarhuma.blogspot.com/\x26vt\x3d-6996042660004810028', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=8076742059755845825&blogName=PIECE+OF+HEAVEN&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2Fsearch" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Care to waste some time? .


Personal na buhay. Buhay ng Kapitbahay Kaskwela Katrabaho. Showbiz. Pelikula. Politika. Ekonomiya. Musika. o wala lang, yan ang makikita mo dito. Libreng tumambay. Hindi bawal ang magreact, di bawal ang sumang ayon, di bawal ang kiligin, maiyak, matuwa, matawa, matae. Upo na dito. Shot mo na!



Basa.Isip.Basa

“ Things will go where they're supposed to go if you just let them take their natural course. Despite your best efforts, people are going to be hurt when it's time for them to be hurt. Life is like that.. ”
-Norwegian Wood

TAG.ay!



Drinkin' buddies
Maki-shot sa kabilang kanto!

Altum_viditur. Ashley. Basilisk. Cecile. 'Ch13f. Chriska. Chwis. Claire. Cutepsycho. Earthlotus. Eli. Emong. Ewanko. Farrah. Fionixe. Ishii. Jade. Jc. Jezz. Jumar. Karlo.Pinoyblogero. Karlow. K.O. Kayen. Kingdaddyrich. Lali. Mars. Mundray. Pinoy Banda. Piper. Quinkoy. RF. Saturn. Sendo. Starrfish. TJ. Wacky. Wilson.


Kudos!
Designer Inspiration/Background Brushes
AdobePhotoshop

Anong nangyare?
May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 August 2009 September 2009 April 2010 May 2011
Anna Banana
Photobucket
musika . letrato . pelikula . pagbabasa . kaibigan . pamilya . pag ibig . babae . lalake . ka-bitteran . pagsusulat . pangangarap . pagtanga . pagtawa . pagpapatawa . pagdaldal . pakikinig . pag muni muni . pagtambay . minsan minsang pagdadrama . madalas na pag alak d'yan umiikot ang buhay ko

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sila ay mananatiling sila
got wasted on Sep 3, 2008; 2:43 AM

WARNING: ISA ITONG NAPAKAHABANG POST... DI KO ALAM KUNG MAY KWENTA TO SA'YO PERO SAKIN MERON...KUNG LABU-LABO MAN ANG PAGKAKASULAT PASENYSA NA.. walang edit edit kasi..kung anung maisip ko type lang..

Eheads - Walang Nag Bago - EraserHeads




Hindi ko masasabing solid na tagahanga nila ako, sa totoo lang never pa akong nakapunta sa gig/concert nila nuon. Two years old palang ata ako nung nabuo ang banda nila, kaya hindi ko din masasabing panahon ko nga sila. Pero ang sigurado ako, bata palang ako naririnig ko na sila at nakikita sa TV.Bata palang ako kinakanta ko na ang mga kanta nila. Bata pa lang ako sila na ang background music ko tuwing nalulungkot ako, tuwing masaya ako, tuwing kahit anong mangyari. Pasalamat ako sa Ate ko na kasabay kong nag aabang sa kanila sa TV, sa Ate ko na tuwing naglilinis ng bahay e pinapatugtog yung cassette tape nila. Naalala ko pa t’wing uuwi kami sa probinsya para magbakasyon palaging nakasalang ang mga cassette tapes nila sa stereo ng sasakyan namin. Hindi ko napapansin ang zigzag at nakakahilong daan papuntang Bicol dahil sinasabayan ko yung mga kanta nila. Halinhinan ang mga kanta nila at ng Yano sa pagtanggal ng pagkabagot ko sa mahabang biyahe papuntang Bicol.


Nuon pwede pa kong maligo sa ulan kahit nakashorts lang at walang pang itaas, magtatakbuhan kami ng kuya ko at ng mga kalaro namin sa bakuran naming malawak pa noon, tapos lalangoy sa fishpond ng lolo ko, bubugawin lahat ng manok na panabong ni Daddy na nakakalat din sa noong malawak pa naming bakuran. Kapag umaambon pa lang at nagsimula na kaming maligo, papagalitan kami nila Lolo’t Lola kasi nga naman magkakasakit kami. Isang beses, hindi ako pinayagang maligo sa ulan dahil mahina pa daw yung ulan, eksaktong pinatutugtog sa radio nun yung “Tuwing Umuulan at Kapiling ka”. Tandang tanda ko sinabayan ko yung kanta....”Buhos na ulan aking mundo’y lunuring tuluyan..” sabi naming dalawa, hindi ko alam kung pangit lang talaga ang boses ko o nung panahon na ‘yon nakinig sakin yung ulap.. biglang lumakas ang ulan kaya nakaligo kami ng kuya ko sa ulan. Simula non sa t’wing nahihiyang bumuhos ang ulan, kinakanta ko yun. Masaya ko no’n t’wing umuulan dahil nakakpaglaro kami nila kuya, hindi pa ko marunong gumawa ng bangkang papel non kaya nagpapagawa ako sa kanya, minsan kay Lolo tapos ipapaagos naming sa tubig. Malinis pa no’n yung tubig na umaagos sa kalsada wala pang kasamang mga basura.


Isang beses nung umuwi si Ate galing sa dorm niya, kinuwento niyang nagpunta sila nung fair nila at tumugtog. “Nagkagulo lahat, syempre puro babae e diba? May mga tumutuntong sa upuan tapos nagbubukas sarang payong.. tapos may naghahagis ng mga durog na Chippy!” yan ang kwento niya sakin non. Dahil bata pa ako at ni hindi pa pinapayagang pumunta sa Birthday ng kaklase ng walang kasamang matanda..hindi din ako malamang nakakapanood ng mga ganun, ni hindi nga ako pinapayagang bumili sa tindahan ng mag-isa. Kuntento na kong nakikita sila sa TV, sa songhits, sa Chippy at Burger Machine Commercials, kuntento na kong naririnig sila sa radio. Kuntento na ko sa mga kwento ng Ate ko.


Sabi ko pa nuon pag malaki na ko panonoorin ko sila.


Ngayon laos na ang cassette tape, may gumagamit pa nga ba nun sa panahon ngayon? Sa panahon na kahit ang discman ata ay wala na rin sa uso? Nadagdagan na ng 19 pang taon ang edad ko simula nung magbuo sila ng banda. Ilang taon na din kaming hindi bumibisita sa Bicol. Hindi na rin kami dumadaan sa zigzag na daan tuwing uuwi do’n. Ilang beses na din napalitan yung putting Toyota Corolla ni Mama na gamit naming tuwing uuwi ng Bicol. At yung driver namin nuon, halos hindi na nakakakita ngayon.
Kagaya noon madalas pa rin silang nasa TV, at radio, ewan ko lang sa songhits dahil simula nung nauso ang internet hindi na ko bumili ng songhits para tingnan ang chords ng mga gusto kong kanta. Pero hindi tulad ng dati, ngayon makikita mo sila pero hindi na magkakasama. Maliban syempre kay Buddy at Raimund na parehong nasa Cambio.

Ngayon kapag naligo ako sa ulan ng nakashorts lang at walang pang itaas siguradong mahihibang ang mga makakakita sakin at iisiping baliw ako at babarilin ako ng tatay ko. Oo flat parin ang lahat sa akin..pero ika nga nila dalaga na ako.

Lumiit na din yung dati naming malawak na bakuran. Nailipat na din yung mga manok na panabong namin sa farm, nadagdagan ng dalawang Kabayo at ilang mga kambing ang alaga naming, hanggang sa namatay, nanakaw, binenta at pinamigay na silang lahat.

Ngayon kahit maligo ako sa ambon (nang kumpleto ang damit syempre), sa medyo malakas na ambon, o sa ulan na may kasamang kidlat wala nang magsesermon sakin. Grade 3 ako nung namatay si Lola, Christmas break naman nung 2nd or 3rd year college ako nung namatay si Lolo.

Marunong na rin akong gumawa ng bangkang papel ngayon, pati eroplano alam ko nang gawin, pati pag balot ng marijuana alam ko na kung pano (joke lang yan ang maniwala utu-uto). Ngayon kung papaanurin mo ang bangkang papel mo sa baha.. hindi na uusad dahil madaming basurang tangay tangay yung baha. Hibang ka din siguro kung maglaro ka pa sa baha sa panahon ngayon, dahil hindi mo alam kung anung kasama ng bahang umaagos sa kanal, kalsada o kung san pa man yung umaagos. Limot ko na din ang mukha nung mga kalaro namin ni Kuya nuon. Pero naririnig ko minsan na kinukwento ng Nanay ko na may anak na at pamilyado na ang halos lahat sa kanila.

Over na din si Ate sa pagiging groupie stage niya. Matagal na siyang hindi nag-aalak, nag yoyosi, at kung anu pang maisip niyong bisyo. Kung dati hindi ako pinapayagang pumunta sa kung saan ng walang kasama, ngayon ako na ang sumasama sa bunso kong kapatid sa kung san man siya pupunta. Ilang beses na kong umalis at hindi umuwi. Ilang gigs na rin ang napanuod ko. Sa mga gigs na yun, nakita at narinig ko silang apat... kumakanta, tumutugtog sa magkakahiwalay na banda. Ngayon hindi na din ata uso ang lumilipad na durog na chippy, nung huling nanood ako ng gig... mga bote ng mineral water ang lumilipad.


Nagpalit palit na din ng endorser ang Chippy. Naging Parokya ni Edgar, at yung “Kami po ang tear here!” At ang NAPAKASIKAT na Halika Tikman ang Langit Burger Machine nuon, ay Burger Machine naLANG ngayon...

Ngayon, malaki na nga ako...literal man o hindi ang usapan.

Nag reunion concert sila, sa kasamaang palad hindi ako nakapanood dahil nung araw at oras ding yun hinatid naming si Ate O. sa airport dahil pabalik na siya ng Dubai. Nung padaan na kami sa The Fort, nakatanggap ako ng mensaheng pinutol ang concert dahil nga kinailangang dalhin si Ely sa ospital. Sayang. Malaki na nga ako, pero di ko parin sila napanuod...pero sige ok lang ay hindi pala ok..pero wala naman akong magagawa e


Habang hinihintay kong lumaki ako at payagan nang pumunta at manood ng mga banda ang daming nagbago sakin, sa iba sa halos lahat ng bagay sa paligid. Nagbago ako ng mga pangarap, paniniwala at tingin sa mga bagay bagay.


Natuto na ko at nalimutan ko na din kung pano mag gitara. Hindi kagaya dati na umiiyak ako at ayaw kong pumasok sa school dahil boring ang pag aaralan (parts ng fish), ngayon tapos na din akong magsunog ng kilay. At madaming madami pang nangyare at nagbago.


Ngayon kapag nagbbyahe kami ng malayo o kahit malapit pa hindi na Casette tape ang baon naming kundi CD (Eraserheads Anthology 1 and 2). Nung naggraduate ako nung college paulit ulit kong kinakanta yung “Sa Wakas”. Madami akong naaalala tuwing naririnig ko mga kanta nila, minsan malungkot, minsan masaya, minsan chill... Siguro nga kung gagawa ako ng soundtrack ng buhay ko marami raming kanta nila ang mapapasama.


Tuwing maririnig kong sasabihin ng mga tao na “Sayang sila..” “Kung hindi sana sila nadisband...” Anu nga bang nakakapanghinayang? Hindi naman sila nawala talaga, hindi naman nalalaos at naluluma yung mga kanta nila. Ilang beses mang pakinggan hindi nagagasgas. Paulit ulit mang kantahin hindi napagsasawaan. Magbago man ang lahat ng bagay, taas baba man ang presyo ng gasoline..pag dating sa kanila wala namang nag/magbabago...

Nagmahal man dating halagang 600 pisong chucks na ngayon higit 2,000 piso na. Madami mang nagsulputang bagong genres. Madami mang nauso, at nalaos. Madaming banda man ang umangat na sa mainstream at lumubog. Maaaring may kanya kanya na nga silang tinutugtugang banda ngayon, marahil hindi na talaga sila magsasama sama bilang isa... bilang banda na kinabaliwan at kinababaliwan parin ng marami hanggang ngayon, hindi mapagkakaila na nag iwan sila ng malaki malalim at permanenteng marka sa Pinoy Music Industry.

Sa paniniwala ko hanggang hindi namamatay ang Industriya ng Musikang Pilipino...

Sila ay mananatiling sila...

nandyan, nandito lang



P.S
Hangga’t hindi namamatay ang Industriya ng Musikang Pilipino...
(Wag naman natin hayaang mangyari to, let’s support local bands...wag magpaakit sa murang OPM pirated CDs please)



Photobucket


Photobucket

Labels: , , , , , , , ,



let's get wasted!
3 drunkard(s) got wasted with me