http://www.makepovertyhistory.org save water... drink vodka <body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d994695429695765293\x26blogName\x3dBananarhuma...\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bananarhuma.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bananarhuma.blogspot.com/\x26vt\x3d-6996042660004810028', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=8076742059755845825&blogName=PIECE+OF+HEAVEN&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2Fsearch" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Care to waste some time? .


Personal na buhay. Buhay ng Kapitbahay Kaskwela Katrabaho. Showbiz. Pelikula. Politika. Ekonomiya. Musika. o wala lang, yan ang makikita mo dito. Libreng tumambay. Hindi bawal ang magreact, di bawal ang sumang ayon, di bawal ang kiligin, maiyak, matuwa, matawa, matae. Upo na dito. Shot mo na!



Basa.Isip.Basa

“ Things will go where they're supposed to go if you just let them take their natural course. Despite your best efforts, people are going to be hurt when it's time for them to be hurt. Life is like that.. ”
-Norwegian Wood

TAG.ay!



Drinkin' buddies
Maki-shot sa kabilang kanto!

Altum_viditur. Ashley. Basilisk. Cecile. 'Ch13f. Chriska. Chwis. Claire. Cutepsycho. Earthlotus. Eli. Emong. Ewanko. Farrah. Fionixe. Ishii. Jade. Jc. Jezz. Jumar. Karlo.Pinoyblogero. Karlow. K.O. Kayen. Kingdaddyrich. Lali. Mars. Mundray. Pinoy Banda. Piper. Quinkoy. RF. Saturn. Sendo. Starrfish. TJ. Wacky. Wilson.


Kudos!
Designer Inspiration/Background Brushes
AdobePhotoshop

Anong nangyare?
May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 August 2009 September 2009 April 2010 May 2011
Anna Banana
Photobucket
musika . letrato . pelikula . pagbabasa . kaibigan . pamilya . pag ibig . babae . lalake . ka-bitteran . pagsusulat . pangangarap . pagtanga . pagtawa . pagpapatawa . pagdaldal . pakikinig . pag muni muni . pagtambay . minsan minsang pagdadrama . madalas na pag alak d'yan umiikot ang buhay ko

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Dito kung saan
got wasted on Sep 28, 2008; 8:22 AM

Dito kung saan una akong nag walkout noon.
Dito kung saan naganap ang unang Sabado night na hindi sa bahay.
Dito kung saan ilang birthdays, monthsaries, annivs ang ni-celebrate.
Dito kung saan una kong nakita sa totoong buhay yung crush ko sa cellphone ni jenny.
Dito kung saan ilang girlfriends at boyfriends ang pinakilala.
Dito kung saan minsang nakipag-inuman sa mga bagong kilalang tao.
Dito kung saan inabot ng alas tres ng madaling araw dahil sa kalasingan.
Dito kung saan ilang storya ang nabuo.
Dito kung saan nagtatagpo ang mga nagtatago.
Dito kung saan ako unang nalasing na walang naalala kinabukasan.
Dito kung saan nagpatahan ng kaibigan.
Dito kung saan ko nakilala ang batang si Sandra.
Dito kung saan minsan kaming nilibre ng mga taong hindi ko na maalala ang pangalan.
Dito kung saan ako dumederecho tuwing Sabado pagkatapos ng klase, umulan man o hindi.
Dito kung saan kami nagpapatay ng oras kapag may hinihintay na event o klase.
Dito kung saan minsang nagmmeeting tungkol sa school works.
Dito kung saan nakakatawa kapag may nagwawala.
Dito kung saan umiinom at nagyoyosi ang matatapang na naka-uniform.
Dito kung saan nakakahirit kami ng libreng refill ng iced tea.
Dito kung saan bawal magdala ng pagkaen galing sa iba.
Dito kung saan minsan minsang nangchecheck out ng mga kung sinu sino.
Dito kung saan madalas naming nakikita ang Spongecola boys (sa kabila).
Dito kung saan mura ang bucket ng beer noon.
Dito kung saan masarap ang chicken inasal at pork liempo.
Dito kung saan mukhang pancit ang atsara.
Dito kung saan walang bayad ang ice.

Dito kung nasaan si Kuya Dennis na palaging nakikipag apir. Si Kuya Dennis na hinintay kami hanggang alas-tres ng madaling araw dahil sa kasama naming lasing.

Dito kung nasaan si Kuya Gilbert na hindi napipikon kahit asarin naming kung kani-kanino. Si Kuya Gilbert na nagbibigay minsan ng free refill ng iced tea. Si Kuya Gilbert na may winalis na daga sa tabi ko sabay sabing "SHHHHH" haha.

Dito kung nasaan si Ate Glenda.. na gustong Ate Glenn ang tawag sa kanya. Na nakitambay at naki-inom samin nung madaling araw na at hindi kami makaalis dahil sa kasamang lasing. Si Ate Glenda na updated sa mga chika, alam kung sino ang sino at sino ang wala na. Si Ate Glenda na tuwing nakikita ko kahit saan e binabati ko.



Chiggy's! Mamimiss kitang silipin tuwing daan ko sa katipunan. Mamimiss kong batiin sila Kuya Gilbert, at Ate Glen. Mamimiss kong apiran si Kuya Dennis. Mamimiss ko ang masarap na inasal.

Kahit may Papu's na...number 1 ka forever sa mga Bahay inumans sa puso ko ahahah! tie kayo ng Miko's na sarado na dati pa... number 3 ang Drews at number 4 ang Meatshop at number 5 ang Papu's.





Photobucket



Bye bye Chiggy's!!!

Labels: , , , , ,



let's get wasted!
0 drunkard(s) got wasted with me
friday frightday
got wasted on Sep 25, 2008; 9:19 AM

aay kinakabahan! wish me luck! hm.. ang buong detalye.. pag uwi ko sa friday haha kung may lakas pa..o kung may matira pang self-esteem :)

anyway this coming friday i'll be helping my mom and her fratmates sa isang service nila somewhere with the red cross. not naman helping as in help talaga i'll be there for support ahaha and to take pictures na din..and to have na rin check-up para malaman if i can donate blood or not..sana pwede, kasi that's one thing i wanna do before i die ahaha ma-experience manlang to donate kahit one bag lang ng blood..yun e kung blood nga ang mapiga nila sakin at hindi alcohol ahah..pero haven't been drinking A LOT lately... a lot ah hindi ko sinasabing hindi talaga ko umiinom..not like when i was in college almost every day or every other day akong nasa BAHAY INUMAN haha! hay i miss those times, haha wala na kong choice ngayon kundi mamiss nalang ang college days kasi di naman na mababalik yun. Ok lang that's life :)

so there, i'm planning to donate blood this coming friday, pero that's not what i'm worried about. before going to the red cross thingamajigs my mom and i will go somewhere pa...ayayayay ayan na ambilis na ng puso ko baka di ko mahabol...

dug dug dug dug dugdugdugdugdugdudgdugdug!!

Labels: , ,



let's get wasted!
0 drunkard(s) got wasted with me
hindi ako magrarant
got wasted on Sep 12, 2008; 10:49 PM

Dapat magrarant lang ako sa blog entry ko ngayun. Magrarant dapat ako dahil sa kasalukuyang napaka-boring na stage ng buhay ko.. oo tama ang walang ka challenge challenge kong everyday life.. hanggang sa nakareceive ako ng text. Pero bago yun eto muna...

I was watching TV... 24 oras yung palabas.. tapos I heard about this massacre.. since napaka iksi na ng attention span ko hindi ko na napanood yung mga sumunod so hindi ko na din nalaman yung details ng massacre.. then kanina nina lang I received a text message from my friend that says:

Sad news: Mary Grace Mojica, 4th year BA Marketing student was killed in a massacre (including parents and cousin) early today... Please pray for her and her family members...


Schoolmate ko pala.. dahil hindi ko nga napanood kanina yung sa news, hinanap ko nalang sa inquirer.net

CITY OF MALOLOS -- A Department of Agriculture employee, his wife and two children were shot dead inside their house in San Jose del Monte City Friday, police said.

Superintendent Danilo Florentino, chief of police of San Jose del Monte City, identified the fatalities as Teofilo Mojica, 55, his wife Florita, 58 and their daughters Mary Grace and Gina.

Teofilo works as Board of Director of Employees Association of the DA national office, Florentino said.

He said their neighbors found their bodies at 8 a.m. Friday inside their house at Block 3, Lot 5, Phase 5, Vital St. Pleasant Hills subdivision in Barangay (village) San Manuel.

He ruled out robbery because the family’s personal belongings remained intact.

Police are considering the possibility that the victims knew the suspects because there were no signs of forced entry, according to Senior Superintendent Allen Bantolo, director of Bulacan provincial police.

Investigators found spent shells for a .45 caliber pistol, Bantolo and Florentino said.

Bantolo said the incident occurred between 3 a.m. and 3:30 a.m. of Friday but police were called to the crime scene at 9 a.m.

Bantolo called on witnesses to aid in the investigation.

By Abigail Kwok, Carmela Reyes
INQUIRER.net, Central Luzon Desk
First Posted 11:18:00 09/12/2008


Akala ko pang CSI lang at Criminal Minds yung mga ganyang balita. Ngayon lang ako nagising na posible at NANGYAYARI nga talaga ang mga ganyand scenario sa totoong buhay. Pero di gaya sa mga palabas sa TV bago matapos ang episode, nahuhuli agad ang culprit. Kung napakalupit naman nung kalaban, mga isang season silang maghahabulan. Dito satin, kopong kopong years na ang lumipas hindi padin nalulutas yung kaso. Parang yung kay Nida Blanca, Bobby Dacer.. hmm sino pa ba? ayoko nang mag isip. Pero ang point dun, bakit may mga taong naiisip na gawin yung mga ganung bagay?(yun e kung nasa matino nga silang pag-iisip).

Grabe sige na hindi na ko gaanong magrereklamo sa walang ka-challenge challenge kong buhay.. mas ok naman siguro 'tong ganto kesa yung makipaghabulan ako sa bala..wag naman sana..

Ay ewan.. hindi ko ata kayang tapusin ang entry na to. Kapag iniisip ko kasi ang dami dami daming hindi magandang nangyayare sa paligid.. nawawalan ako ng gana.. NAKAKASUKA...


Ipagpray nalang natin sila at tayong lahat.

Photobucket

Labels: , , , , , ,



let's get wasted!
3 drunkard(s) got wasted with me
skate or die
got wasted on Sep 4, 2008; 11:47 PM

Gusto ko lang i-share...wala lang gusto ko yung mga sinabi niya..

From: raymund marasigan
Subject: [subsandwich] skate or die
To: subsandwich@yahoogroups.com
Date: Tuesday, September 2, 2008, 3:41 AM

to whom it may concern

i dont usually rant but ive been hearing reports about people
questioning why we played saguijo after the concert.

first things first. when marlboro pulled out and cancelled the show a
week ago, the band was free of all obligation to play the show. if it
was about the money we could have just walked away fully paid no
explanations to the press or anybody. free from the contract. the band
decided to play nevertheless. the tickets and the prices was for the
new promoters to buy out the production from philip morris to put it
simply. contrary to what some people think it takes money to stage a
concert. stage, lights, and video screens don't magically grow out of
the ground. that's what the ticket prices were for. the band was not
in the negotiation meetings between the the two promoters and we did
not want to be in the meetings.

personally i said just call me cos i'm ready to rock. no extra pay no
contract negotiations. as far as the eheads was concerned were out of
the contract.

but here's what you dont understand.
playing music is what we do. we
play when we're happy, play when we're sad, play when we're angry,
play when we're sick, play til we die.


painters paint, writers write, my skateboarding friends skate or die.
when u ask nba superstars what they do in their spare time. they play
basketball.
us musicians, we play. thats what we do. getting paid is a bonus. i
will not apologize for that. when we don't get paid we still play.


we played saguijo because we wanted to, we needed to. our hearts and
souls dictated it. we could just go home and sleep. we did not talk
about it. there was no invites there was no plan. we did not get paid.
we borrowed equipment.

yes ely knew about it. buddy told him the next day. yes pupil was in
saguijo too.

yes marcus buddy and i have lost a parent. we know how it feels.

ive been playing music for more than 30 years. professionally since
1993.there have been a few times when it was me who was unable to
continue the set due to illness. albeit it was a lesser scale and
(thankfully) never reported. it was nonetheless life threatening. ive
had a run in with losing my voice, food poisoning, diarreah
(embarassing) and a few more i do not care to mention that involved
blood and bones. i had to drop out of the set from the eheads, cambio
and sandwich. thankfully there was always someone there to finish the
set for me. and i am thankful that they were there. i did not feel
bad.
ive also saved a few shows from other bands when shit happens. we
dont plan this and we dont complain but we still play
.

my bmx friends ride with broken bones.

if we finished the eheads show that night you would STILL have found
us in guijo playing after.

yes i visited ely in the hospital yesterday. i hope he recovers soon.
we have a show to finish.

music is life
ill only stop playing when i die.


rayms



Photobucket

Labels: , , , , ,



let's get wasted!
0 drunkard(s) got wasted with me
Sila ay mananatiling sila
got wasted on Sep 3, 2008; 2:43 AM

WARNING: ISA ITONG NAPAKAHABANG POST... DI KO ALAM KUNG MAY KWENTA TO SA'YO PERO SAKIN MERON...KUNG LABU-LABO MAN ANG PAGKAKASULAT PASENYSA NA.. walang edit edit kasi..kung anung maisip ko type lang..

Eheads - Walang Nag Bago - EraserHeads




Hindi ko masasabing solid na tagahanga nila ako, sa totoo lang never pa akong nakapunta sa gig/concert nila nuon. Two years old palang ata ako nung nabuo ang banda nila, kaya hindi ko din masasabing panahon ko nga sila. Pero ang sigurado ako, bata palang ako naririnig ko na sila at nakikita sa TV.Bata palang ako kinakanta ko na ang mga kanta nila. Bata pa lang ako sila na ang background music ko tuwing nalulungkot ako, tuwing masaya ako, tuwing kahit anong mangyari. Pasalamat ako sa Ate ko na kasabay kong nag aabang sa kanila sa TV, sa Ate ko na tuwing naglilinis ng bahay e pinapatugtog yung cassette tape nila. Naalala ko pa t’wing uuwi kami sa probinsya para magbakasyon palaging nakasalang ang mga cassette tapes nila sa stereo ng sasakyan namin. Hindi ko napapansin ang zigzag at nakakahilong daan papuntang Bicol dahil sinasabayan ko yung mga kanta nila. Halinhinan ang mga kanta nila at ng Yano sa pagtanggal ng pagkabagot ko sa mahabang biyahe papuntang Bicol.


Nuon pwede pa kong maligo sa ulan kahit nakashorts lang at walang pang itaas, magtatakbuhan kami ng kuya ko at ng mga kalaro namin sa bakuran naming malawak pa noon, tapos lalangoy sa fishpond ng lolo ko, bubugawin lahat ng manok na panabong ni Daddy na nakakalat din sa noong malawak pa naming bakuran. Kapag umaambon pa lang at nagsimula na kaming maligo, papagalitan kami nila Lolo’t Lola kasi nga naman magkakasakit kami. Isang beses, hindi ako pinayagang maligo sa ulan dahil mahina pa daw yung ulan, eksaktong pinatutugtog sa radio nun yung “Tuwing Umuulan at Kapiling ka”. Tandang tanda ko sinabayan ko yung kanta....”Buhos na ulan aking mundo’y lunuring tuluyan..” sabi naming dalawa, hindi ko alam kung pangit lang talaga ang boses ko o nung panahon na ‘yon nakinig sakin yung ulap.. biglang lumakas ang ulan kaya nakaligo kami ng kuya ko sa ulan. Simula non sa t’wing nahihiyang bumuhos ang ulan, kinakanta ko yun. Masaya ko no’n t’wing umuulan dahil nakakpaglaro kami nila kuya, hindi pa ko marunong gumawa ng bangkang papel non kaya nagpapagawa ako sa kanya, minsan kay Lolo tapos ipapaagos naming sa tubig. Malinis pa no’n yung tubig na umaagos sa kalsada wala pang kasamang mga basura.


Isang beses nung umuwi si Ate galing sa dorm niya, kinuwento niyang nagpunta sila nung fair nila at tumugtog. “Nagkagulo lahat, syempre puro babae e diba? May mga tumutuntong sa upuan tapos nagbubukas sarang payong.. tapos may naghahagis ng mga durog na Chippy!” yan ang kwento niya sakin non. Dahil bata pa ako at ni hindi pa pinapayagang pumunta sa Birthday ng kaklase ng walang kasamang matanda..hindi din ako malamang nakakapanood ng mga ganun, ni hindi nga ako pinapayagang bumili sa tindahan ng mag-isa. Kuntento na kong nakikita sila sa TV, sa songhits, sa Chippy at Burger Machine Commercials, kuntento na kong naririnig sila sa radio. Kuntento na ko sa mga kwento ng Ate ko.


Sabi ko pa nuon pag malaki na ko panonoorin ko sila.


Ngayon laos na ang cassette tape, may gumagamit pa nga ba nun sa panahon ngayon? Sa panahon na kahit ang discman ata ay wala na rin sa uso? Nadagdagan na ng 19 pang taon ang edad ko simula nung magbuo sila ng banda. Ilang taon na din kaming hindi bumibisita sa Bicol. Hindi na rin kami dumadaan sa zigzag na daan tuwing uuwi do’n. Ilang beses na din napalitan yung putting Toyota Corolla ni Mama na gamit naming tuwing uuwi ng Bicol. At yung driver namin nuon, halos hindi na nakakakita ngayon.
Kagaya noon madalas pa rin silang nasa TV, at radio, ewan ko lang sa songhits dahil simula nung nauso ang internet hindi na ko bumili ng songhits para tingnan ang chords ng mga gusto kong kanta. Pero hindi tulad ng dati, ngayon makikita mo sila pero hindi na magkakasama. Maliban syempre kay Buddy at Raimund na parehong nasa Cambio.

Ngayon kapag naligo ako sa ulan ng nakashorts lang at walang pang itaas siguradong mahihibang ang mga makakakita sakin at iisiping baliw ako at babarilin ako ng tatay ko. Oo flat parin ang lahat sa akin..pero ika nga nila dalaga na ako.

Lumiit na din yung dati naming malawak na bakuran. Nailipat na din yung mga manok na panabong namin sa farm, nadagdagan ng dalawang Kabayo at ilang mga kambing ang alaga naming, hanggang sa namatay, nanakaw, binenta at pinamigay na silang lahat.

Ngayon kahit maligo ako sa ambon (nang kumpleto ang damit syempre), sa medyo malakas na ambon, o sa ulan na may kasamang kidlat wala nang magsesermon sakin. Grade 3 ako nung namatay si Lola, Christmas break naman nung 2nd or 3rd year college ako nung namatay si Lolo.

Marunong na rin akong gumawa ng bangkang papel ngayon, pati eroplano alam ko nang gawin, pati pag balot ng marijuana alam ko na kung pano (joke lang yan ang maniwala utu-uto). Ngayon kung papaanurin mo ang bangkang papel mo sa baha.. hindi na uusad dahil madaming basurang tangay tangay yung baha. Hibang ka din siguro kung maglaro ka pa sa baha sa panahon ngayon, dahil hindi mo alam kung anung kasama ng bahang umaagos sa kanal, kalsada o kung san pa man yung umaagos. Limot ko na din ang mukha nung mga kalaro namin ni Kuya nuon. Pero naririnig ko minsan na kinukwento ng Nanay ko na may anak na at pamilyado na ang halos lahat sa kanila.

Over na din si Ate sa pagiging groupie stage niya. Matagal na siyang hindi nag-aalak, nag yoyosi, at kung anu pang maisip niyong bisyo. Kung dati hindi ako pinapayagang pumunta sa kung saan ng walang kasama, ngayon ako na ang sumasama sa bunso kong kapatid sa kung san man siya pupunta. Ilang beses na kong umalis at hindi umuwi. Ilang gigs na rin ang napanuod ko. Sa mga gigs na yun, nakita at narinig ko silang apat... kumakanta, tumutugtog sa magkakahiwalay na banda. Ngayon hindi na din ata uso ang lumilipad na durog na chippy, nung huling nanood ako ng gig... mga bote ng mineral water ang lumilipad.


Nagpalit palit na din ng endorser ang Chippy. Naging Parokya ni Edgar, at yung “Kami po ang tear here!” At ang NAPAKASIKAT na Halika Tikman ang Langit Burger Machine nuon, ay Burger Machine naLANG ngayon...

Ngayon, malaki na nga ako...literal man o hindi ang usapan.

Nag reunion concert sila, sa kasamaang palad hindi ako nakapanood dahil nung araw at oras ding yun hinatid naming si Ate O. sa airport dahil pabalik na siya ng Dubai. Nung padaan na kami sa The Fort, nakatanggap ako ng mensaheng pinutol ang concert dahil nga kinailangang dalhin si Ely sa ospital. Sayang. Malaki na nga ako, pero di ko parin sila napanuod...pero sige ok lang ay hindi pala ok..pero wala naman akong magagawa e


Habang hinihintay kong lumaki ako at payagan nang pumunta at manood ng mga banda ang daming nagbago sakin, sa iba sa halos lahat ng bagay sa paligid. Nagbago ako ng mga pangarap, paniniwala at tingin sa mga bagay bagay.


Natuto na ko at nalimutan ko na din kung pano mag gitara. Hindi kagaya dati na umiiyak ako at ayaw kong pumasok sa school dahil boring ang pag aaralan (parts ng fish), ngayon tapos na din akong magsunog ng kilay. At madaming madami pang nangyare at nagbago.


Ngayon kapag nagbbyahe kami ng malayo o kahit malapit pa hindi na Casette tape ang baon naming kundi CD (Eraserheads Anthology 1 and 2). Nung naggraduate ako nung college paulit ulit kong kinakanta yung “Sa Wakas”. Madami akong naaalala tuwing naririnig ko mga kanta nila, minsan malungkot, minsan masaya, minsan chill... Siguro nga kung gagawa ako ng soundtrack ng buhay ko marami raming kanta nila ang mapapasama.


Tuwing maririnig kong sasabihin ng mga tao na “Sayang sila..” “Kung hindi sana sila nadisband...” Anu nga bang nakakapanghinayang? Hindi naman sila nawala talaga, hindi naman nalalaos at naluluma yung mga kanta nila. Ilang beses mang pakinggan hindi nagagasgas. Paulit ulit mang kantahin hindi napagsasawaan. Magbago man ang lahat ng bagay, taas baba man ang presyo ng gasoline..pag dating sa kanila wala namang nag/magbabago...

Nagmahal man dating halagang 600 pisong chucks na ngayon higit 2,000 piso na. Madami mang nagsulputang bagong genres. Madami mang nauso, at nalaos. Madaming banda man ang umangat na sa mainstream at lumubog. Maaaring may kanya kanya na nga silang tinutugtugang banda ngayon, marahil hindi na talaga sila magsasama sama bilang isa... bilang banda na kinabaliwan at kinababaliwan parin ng marami hanggang ngayon, hindi mapagkakaila na nag iwan sila ng malaki malalim at permanenteng marka sa Pinoy Music Industry.

Sa paniniwala ko hanggang hindi namamatay ang Industriya ng Musikang Pilipino...

Sila ay mananatiling sila...

nandyan, nandito lang



P.S
Hangga’t hindi namamatay ang Industriya ng Musikang Pilipino...
(Wag naman natin hayaang mangyari to, let’s support local bands...wag magpaakit sa murang OPM pirated CDs please)



Photobucket


Photobucket

Labels: , , , , , , , ,



let's get wasted!
3 drunkard(s) got wasted with me