Nostalgia
got wasted on Aug 15, 2008; 9:59 AM
When I checked my phone this morning, there was a message from Ate O. I opened it and read it, and this was what was in her text message:
Alam mu ba aug 17 na ko uuwi? Ipinakiusap ako nung isang leader sa mataas na pinuno. Naiyak ako hahaha. blahblahblah then details ng pagdating niya
For those who are naiintriga, my sister left for dubai to work for an airline company few months ago, mga November I think. Saming magkakapatid siguro siya yung pinakaka-close ko because we're both maarte, loud, maldita, maloko, lasengga, laitera, lakwatsera,ukay ukayeras atbp. (haha parang puro nega yun ah). Anyway, since she left mejo tumahimik dito sa bahay dahil nabawas ang kaingayan niya, plus dagdag mo pa na yung other sister kong si Ate Monette ay may work na, si Abie nagsschool na, and Daddy's already in Cebu. Tahimik na talaga yung bahay.
I'm very VERY very VERY excited sa pag uwi ni Ate O. kasi uuwi din si Daddy.. November pa kami huling nakumpleto. Pero alam ko mas excited sila, lalo na si Ate O. Actually dapat bukas na ang uwi niya, after ng shift niya uwi na siya dito kaya lang hindi daw na-approve yung replacement thingamajigs so na-move ng 18. At kagabi nga lang e na-move na ng 17.
Kung titingnan mo, ilang days lang naman yung difference pero big deal sa kanya yung ilang days na yun.. Kung pwedeng pinaka pinaka pinaka ASAP e AASAPAN niya na talaga.
Yun ang mahirap talaga when you're working miles away from home matatalo ka talaga ng homesickness. Though you get to talk to your family through text, e-mails, and IM's iba pa din yung sabay kayong shumashopping, sabay kumakain, sabay nalalasing haha! I can't say na I had the total experience na ma-homesick. Konti lang yung compared sa kanya. Anyway, last summer 2007 I had to stay at my friend's house for like a month or two ata because of my OJT. I was excited at first kasi nagniningning sa isip ko yung "ALAK EVERY NIGHT, MADALING ARAW NA UWI GALING SA INUMAN, LAKWATSA atbp" Nung una nag eenjoy ako talaga, kaya lang kasi birthday ko nung isang araw tapos na-sad ako kasi di ako nagcelebrate with my family, nagcelebrate ako nung weekend before nung birthday ko. Tapos nung night nung birthday ko, tatlo lang kami nung friends kong umiinom, monthsary din nila yun so double celebration. Tapos nag away pa sila hahaha! Happy birthday talaga, so we ended up sleeping nalang kalahati lang ata yung nabawas dun sa alak. After nun namiss ko na ang bahay namin... at sabi nga sa isang Eheads song "mahal kita pero miss na miss ko na ang aking kama.. at ang malupit kong unan.." Kaya sabi ko, uuwi na ko. Kaya ayun umuwi nga ako nagpasundo ako sa ABS-CBN sa aking mga magulang at sinama nila ko sa Tagaytay uminom kami ng walang humpay lasing kaming dalawa ni Daddy ahahah!
Ay andami kong segue anu ba yan...
Ang point ko lang naman..
UNA: Mahirap talagang malayo ka sa family mo, kahit sabihin mo pang limpak limpak na salapi ang sinusweldo mo.. kahit sabihin mo pang pwede kang lumangoy sa alak gabi gabi ang all. Dadating at dadating talaga yung time na mahohomesick ka
PANGALAWA: Excited na ko sa pag uwi ni Daddy, at lalo na ni Ate O. na mga pinaka-close ko sa bahay na ito.. akalain mo noh sila na nga yung mga pinakanakakasundo ko nagsi-alisan pa.. Excited na ko talaga hindi dahil sa mga pasalubong na dala nila..(pero sige na kasama na'rin yun..ps3 come to Ana!) Excited ako kasi macocomplete na kami ulit... ay hindi padin pala dahil wala na si Ash.. so sad.. ahaha labo ko
PANGATLO: Ang bilis ng panahon, kahapon nagmuni muni kasi ako.. naalala ko yung sarili ko yearsssss before.. isang summer day, nakahiga ako sa sofa namin sa may bintana..ginagawa ang favorite kong gawain tumanga.. sabi ko sa sarili ko anu kayang buhay ko after ko mag aral, anu kayang ichura ko pag dalaga na ko.. mga ganun ganun.. tapos naisip ko andito na ko sa stage na dati tinatanga tanga at sinisilip silip ko lang sa bintana noon... tapos dating dati pa naalala ko nag ffiesta carnival pa kami. hahah tapos pag nagbabakasyon sila sa QC ng one week at iwan ako dito sa Antipolo mabuang buang na ko sa pagkabored at pagkamiss sa kanila.. tapos ngayon ang usapan na Dubai..Cebu.. Antipolo.. haha pero teka parang di na ko nakamove on ah ako padin yung iwan sa Antipolo???? ahahaha
PANG-APAT: UUWI NA NGA SILA!!!!!!!! UUWI NA UUWI NA UUWI NA!! sobrang saya ko lang bow.. sana safe ang maging biyahe nila.. NAIA hintayin mo ko magkikita nanaman tayo! :)

wiii!!! KO, ate O. and me @ a secret jolog bar with jolog people where I got really drunk and tripped off the stage ahahah sa ngalan ng Chicosci!

ate O. cha and me @ Miriam ANO?! concert.. isaw galore, again nakainom pero di lasing :)

gate crashing the MCfreshmen's night hahaha


at the Our Lady of Manaoag church ate monette, abie, ate oyang , mommy

i don't have pictures of daddy and kuya dito na bago eh ahahah yan nalang sobrang luma payatot pa si daddy hahah ngaun parang jimmy santos na...wala kaming family picture na complete eh..pero promise pagdating nila meron na :)

how vintage.. that's kuya, ate o. and me.. watching shake rattle and roll ahahha


Labels: family, letrato, nostalgia