Anna Banana
musika . letrato . pelikula . pagbabasa . kaibigan . pamilya . pag ibig . babae . lalake . ka-bitteran . pagsusulat . pangangarap . pagtanga . pagtawa . pagpapatawa . pagdaldal . pakikinig . pag muni muni . pagtambay . minsan minsang pagdadrama . madalas na pag alak d'yan umiikot ang buhay ko

user.loser
got wasted on Oct 1, 2008; 7:58 PM
Hindi ako junkshop.
Di rin ako tagasalo ng mga bagay na tinapon ng kung sinu-sino.
Hindi ko alam kung bakit madalas akong nalalapit sa mga gantong klaseng tao. At nakakainis ako dahil madalas akong nagpapabibiktima. Pero ngayon I'm sorry hindi na talaga ko magpapaloko. I've learned my lesson. Ayoko na. Madami naman akong kaibigan, as in yung kaibigan na nandyan masaya man ang buhay o hindi. Ganon din ako sa kanila. Hindi kagaya ng ibang dadating at magpaparamdam lang kapag may kailangan. Nananahimik ako eh.
Wala namang epekto sa'kin kung wala ka. Sa totoo lang mas naiinis ako pag andyan ka. In short hindi ka importante. At isa pa, I'm sorry kung medyo maldita ako, pero wala ka talaga kasing karapatang maging demanding. At isa pa ulit dati pa alam mo naman na ayoko ng taong makukulit kaya wag kang makulit ples!
Labels: ako, babae, friendship, rants, users
Kailangan na ng guinea pigs at hamsters sa bahay na to
got wasted on Jul 4, 2008; 12:33 PM
Malapit nang maging boring ang bahay na 'to.. hindi 'tong blog ko ang tinutukoy ko kundi yung totoong bahay mismo...
Siguro simula next week pagkakamalan nanamang abandonadong bahay ang bahay namin.. kagaya nga ng nakwento ko sa luma kong blog.. napagkakamalang haunted house ang bahay namin hindi daw nila nakikita masyado yung mga taong nakatira dito.. bukod pa don laging sarado yung mga bintana ng bahay, at puro yung malalaking aso lang namin ang nakikita nila.
Nung isang beses pa nga.. umagang umaga nagpapatugtog ng napakalakas yung kapitbahay namin as in akala mo may concert sa tabi ng tenga mo.. pinuntahan ni ate ata? di ko maalala basta pinahinaan nila kasi nga maaga pa yun at may natutulog pa samin.. ang sabi ba naman ng kapitbahay "Ay akala ko kasi soundproof yung bahay niyo" ay? baliw..
Anyway, balik sa dating topic... simula next week boring na ang bahay.. Actually nagsisimula na nga siyang maging boring ngayon pa lang..
Umalis na si Daddy papuntang Cebu... hinatid namin siya sa airport nung isang araw. Dun siya magsstay dahil nga sa bagong company na itinayo niya don.. So kung uuwi man siya dito siguro bakasyon bakasyon lang.
Since kailangang irenovate, pagandahin, iayos ayon sa theme yung building na gagawing office nila Daddy... kailangan ang talent ni Mommy.. so baka bukas, or sa sunday e sumunod na si Mommy dun. May katagalan yun dahil may kalakihan din yung irerenovate, so malamang sa malamang ay aabutin siya dun ng isang b'wan o mahigit.
Pagkatapos ng mahabang panahon ng pag rerest ni Ate M. at pag mamasteral (na hindi pa pala niya tapos ang thesis niya) ay balik trabaho na ulit siya. Start na ng work niya sa Monday so malamang mula pag gising ko e wala na siya at uuwi siya ng gabi na.
Si Ate O. naman medyo namimiss ko na ang kaartehan haha joke... ay nasa malayo kung san may disyerto at mga kamelyo... kung san may eroplano at mapulang lipstick.. Gumising man ako ng maaga o hindi man ako gumising maghapon, hindi ko talaga siya makikita.
Si Kuya, ay tila border simula pa dati... Kung umalis man siya o magstay sa bahay.. walang pinagkaiba dahil kapag nandito siya maghapon magdamag siyang nakaharap sa laptop at naglalaro ng Dead Awaken kung hindi ako nagkakamali... Minsan naman kapag nandito siya kasama niya si Baby kaya parang wala din sila.. Kapag wala naman siya.. ahaha teka lang ah parang naguguluhan ako sa sinasabi ko.. ok game.. pag wala naman siya nasa review center siya (oo 'di matapos tapos na review para sa ECE Board exam.. sino ba gumagawa ng exam na yun sasaksakin ko pahirap eh) at kadalasan 'di din naman siya umuuwi.
Si Abie na nasa "pagrerebelde/pagpapasaway" stage niya palang ay palagi din wala dahil sa school.. At pag uwi niya naman busy siya sa assignment niya at sa pag iinternet.. Isa pa yun kapag naharap sa laptop at nagchachat na ay hindi na makausap ng matino.. Hindi rin naman siya makausap ng matino kahit wala siyang ginagawa kasi nga nasa "pagrerebelde/pagpapasaway/matured na ko wag kang magulo" stage na siya.. So kung hindi ka niya pipilosopohin ay susungitan ka niya ng todong todo haha!! At by the way minsan e nagkukulong lang siya sa kanyang kwarto emo emohan ahahha!
Sino pa ba?.. Si Ash naman hmm ewan ko lang kung tapos na sa decomposition stage.. haha namimiss ko na si Ash..
Si Ate Lynda... si Ate Lynda ay palaging busy kay BIONIKA haha para sa impormasyon ng nakararami si Bionika ang bida ng paborito niyang radio drama.. meron pa siyang isa pang favorite e.. nakalimutan ko na yung title.. Anyway, si Ate Lynda ay pumupunta dito tuwing umaga para magluto, maglaba, maglinis tapos uuwi siya ng mga 5 or 6... Funny siya sobra, mukhang kontrabida pero major comedyante.. pero gaya nga ng sabi ko busy siya palagi kay Bionika.. At madalas siya nangangarap sa likodbahay kapiling si Bionika..
At ako... hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko at sa boring na bahay na 'to simula next week. Pero nitong mga nakaraan e lahat ng mag imbita ng inuman basta malapit at may bantay sa bahay go ako. At syempre pala kapag may pera.. teka naisip ko.. hindi na ko pwedeng hindi umuwi... at umuwi ng madaling araw simula next week dahil sa lahat ng mga nakasulat sa taas.. oh no! Bakit nila 'to ginagawa? Hahaha ay teka sasagutin ko yung tanong ko... Ginagawa nila yan dahil wala namang choice eh..Bum ka, ikaw lang ang hindi busy.. AWTS! Sabi ko na nga ba dapat sinipot ko yung mga interviews eh.. Hahaha! Alam ko na dapat na talaga kong maghanap ng work, gumising ng maaga, sumipot sa interviews, umiwas sa sakit... dahil kung hindi mamamatay ako VB VB VB VB VB VB VERY BORING!
Hay nako.. yung feeling ko ngayon.. parang lahat ng nasa paligid ko ang biliiiiiis biliiiiiis biliiiiis tapos ako nakastop lang... lahat busy ako lang hindi..
Tapos kanina naisip ko.. siguro ganto yung feeling ni Peterpan nung iniwan siya ni Wendy at ng Lost boys sa Neverland.. but atleast he has tinkerbell and he can fly.. hahaha wait sorry naimagine ko si Ate Lynda naka-tinkerbell costume ahahahahhahahh shet!
Hay nako siguro dapat bumili ako ng madaming guinea pigs o kaya hamsters tapos sa umaga papakawalan ko sa iba't ibang parts ng bahay... tapos maghapon hahanapin ko sila tapos ikukulong ulit tas kinabukasan ganun ulit.. pamatay bagot lang hahaha
Labels: ako, family, rants
Im a stringed-puppet!! cool!
got wasted on Jun 10, 2008; 9:44 PM
When I told you I wanted to learn how to play drums and guitar... you enrolled me for piano lessons
You knew green is my favourite color... but you kept buying pink stuffs for me
I told you I’m more comfortable when I’m wearing pants... so you bought me floral dresses
I wanted to be enrolled in some artsy fartsy workshops ... but you told me baking is more fun
I asked you to enrol me for target shooting lessons... but you enrolled me for taekwondo lessons instead
When it was time for me to go to college... you didn’t even bothered to ask me which school I wanted to go to
When I was choosing which course to take, you told me it’s up to me... you told me to choose whatever I want....so I did... but during my senior year you told me I should’ve taken up International Studies instead
I was so excited to tell you that Ate was planning to buy me a DSLR as a grad gift ... but you just puckered your brows and said “What for?”
I wanted to see my friends after our Manaoag trip... but you told me I can't because I was wearing shorts... I insisted... so you drove slower than your usual driving speed so when we arrive at Katip everyone's gone home
And then a while ago I told you that I have a scheduled interview tomorrow 1pm at Makati ... you didn’t exactly told me that I can’t go... BUT you told me that we're gonna meet Ate O’s workmate at Pasig AFTER LUNCH... again, I didn’t have a choice.
Thanks for making me feel like a stringed-puppet
This is really starting to piss me off...
Labels: rants
B-O-R-E-D-O-M
got wasted on Jun 6, 2008; 12:22 PM
Tambay life is starting to bore me, if not for the dvds, internet and alcohol I'd be insane by now. I need some challenge, a taste of the real world will do :) But finding a job isn't that easy especially if your parents are tooooo choosy...
Usually the conversation goes like this:
Me: Ma, may interview ako sa blah blah blah
Mum: Anong pangalan ng company? Sinong may ari ng company? Saan yan?
(Hello!! As if kilala niya lahat ng may-ari ng companies sa Pilipinas!)
OR
Me: Dy, hatid mo ko bukas may interview ako..
Daddy: Ok.. San yan?
Me: Sa blah blah..
Daddy: Ay wag dun! Hindi nga kilala yung company na yun eh! Di maganda yung lugar blah blah..
ETO PA
Me: Yehey may interview daw ako bukas!
Daddy: Saan? Anong position?
Me: Sa blah blah... Events Marketing Coordinator
Daddy: Sus! Magtatrabaho ka dun ang layo, tapos yung sweldo mo mas malaki pa yung allowance na ibibigay ko!
(Ay? Mayabang?)
Eto pa...
Ate: Dun ka nalang kasi kay Daddy! May sasakyan ka na, pagkaen, load tapos kung san san ka makakarating
(Anubeh! Gusto kong maging indie kid!)
At ang pinakamalala...
Me: Parang gusto ko nang magwork...
Daddy: Hindi mo pa naman kailangan magtrabaho, wala naman pumipilit sayo.
ANU BA KAYONG LAHAT!!! BORED NGA AKO BORRRRRRRRRRRRED!!!!
Anyway, habang wala pa kong nakikitang work na aprub sa mga magulang, kapatid, pets, at mga insektong palipadlipad sa bahay namin tuwing gabi kailangan kong maghanap ng something na fun gawin at productive just to keep me sane haha!.. Mag eenroll nga pala dapat ako sa driving school ngayon kaya lang late na ko nagising di ko naabutan si Mama Duck... ay pwede din akong mag enroll ng swimming lessons tutal di ako marunong magswim... pwede din pala ko mag enroll ng lessons na kung anu ano pang lessons noh?...dahil tila ayaw niyo kong pag trabahuhin pag aralin niyo ko ulit ahhahahahah...PERO KAILANGAN KO MUNA MATUTO GUMISING NG MAAGA!!! ahahahahhaha! kaasar
Labels: boredom, rants, wala lang