Anna Banana
musika . letrato . pelikula . pagbabasa . kaibigan . pamilya . pag ibig . babae . lalake . ka-bitteran . pagsusulat . pangangarap . pagtanga . pagtawa . pagpapatawa . pagdaldal . pakikinig . pag muni muni . pagtambay . minsan minsang pagdadrama . madalas na pag alak d'yan umiikot ang buhay ko

Please oh please..pretty please
got wasted on Jul 30, 2008; 8:30 PM
one night....
Ana: Dear Papa God,
Promise pag may tumawag sa'kin for interview sisipagin na kong pumunta,
kahit umuulan pa.. kahit maaga.. kahit mag commute ako papunta..
please
please
please
Pero Papa God kung pwede kung may tumawag ulit..wag naman po sanang maaga
kung pwede.. kahit mga 3pm? o sige na nga Papa God 10am.. If pwede wag din
po sanang umuulan oh sige na hassle kasi eh.. sana din hindi Thursday para
hindi coding si Mommy sana din walang kasabay na lakad niya para kung pwede
hindi ako magcommute.
Narealize ko..nung bandang patapos na yung prayer ko pala binawi ko din yung mga sinabi ko ahahha..
Please Papa God bigyan mo ko ng sipag kung pwede madaming sipag thank you
- Ana
dreamcatcher
got wasted on ; 8:10 PM

Traditionally, the Ojibwa construct dreamcatchers by tying
sinew strands in a web around a small round or tear-shaped frame of willow (in a
way roughly similar to their method for making snowshoe webbing). The resulting
"dream-catcher", hung above the bed, is then used as a charm to protect sleeping
children from nightmares. Dreamcatchers made of willow and sinew are not meant
to last forever but instead are intended to dry out and collapse over time as
the child enters the age of adulthood.
The Ojibwa believe that a dreamcatcher filters a person's dreams. According
to Terri J. Andrews in the article "Legend of the Dream Catcher," about the
Ojibwa nation in the magazine World & I, Nov. 1998 page 204, "Only good
dreams would be allowed to filter through . . . Bad dreams would stay in the
net, disappearing with the light of day."
-Wikipedia
I have one, thanks to Beryl... naalala ko lang.. kasi nagkanightmare ako kagabi.. nakatakas sa dreamcatcher.. scary
Labels: boredom, nightmare, sleep, wala lang
gabi na lang sana ulit
got wasted on Jul 25, 2008; 10:04 AM
"....simula pa lang yan sa pagtataya Ana. Unfortunately, madami ka pang maeexperience na ganyan... "
hindi ko alam kung pano ko lalabas ng kwarto ng hindi nila napapansin ang magang maga kong mga mata..
"... kaya mo yan..letse. I swear. Dadating yung time na tatawanan mo na lang yan.."
sana bukas tawanan ko na 'to lahat... sana bukas kaya ko nang i-joke ang mga bagay bagay..
pero nararamdaman ko malapit na kong matawa
malapit na konting iyak lang to
"...have a gudnyt! pabasag tayo tom :)"
gabi:
pwede na ulit akong mag isip..
pwede nang hindi magpigil ng iyak dahil wala nang makakakita..
matatapos din 'to..
bukas sasaya ako
salamat sa gabi
salamat sa mga kaibigan
salamat sa painkillers
salamat sa antok
bukas sana nga sumaya ako
Labels: ako, babae, hate, love, pain, regrets
alikabok.kalat.kahapon
got wasted on Jul 22, 2008; 3:37 PM
Kahapon naglinis ako maghapon.. naghalungkat ng mga gamit at nagmuni muni... tapos may mga nakita akong kung anu ano..bigla nalang akong natatawa mag isa
Eto si Kotler... naging boyfriend naming lahat nung 2nd year kung hindi ako nagkakamali o 3rd year yun? basta lagi naming kasama, katabi matulog, kasama sa almusal, pati sa inuman.. hahaha akalain mo ba namang prelims namin kailangang basahin yang buong libro tapos ang masaklap pa dyan bubunot ka lang ng isang tanong na sasagutin mo in front of the class.. talagang mag isa nang nagshutdown ang brain ko nung huling gabi bago yung prelims namin..
Hello sa notebook ko! 4th year first sem tama ba? sobrang boring ng class kaya hello doodle doodle haha Theology class yan bantay na bantay ako sa oras dahil naddrain na ang buo kong pagkatao sobrang booooring ng prof namin.. mula 11:00 hanggang 11:45 akong nagdoodle kung anu sinasabi nia sinusulat ko naman ahahah kahit walang saysay

"Hello?? Nasan ang beauty mo" - Tuqxs
Last Order sa Penguin... pinakamasayang play na ginawa namin ever. 2nd year college sa Phil. Literature Class. Nakasingko kami dyan yeheeey! Ilang araw na practice lang.. pero matagalang kabisaduhan ng script. I played the role of Tuqxs. Tapos surprisingly nung 3rd year kami nameet namin ang tunay na Tuqxs as in yung Tuqxs jan sa script na yan.. naging prof namin sa theater. Funny lang kasi yung mga roles na ginampanan namin sa play eh sakto sa personalities namin ahaha.. may dating addict na naging pusher, may kinacareer ang sex life, may jombit, may sawang sawa na sa tumatanda niyang partner etc. Igoogle niyo si sir Tuqxs dali dalii
Nakita ko din yung ginawa naming scrapbook para sa Journ class namin.. pinipilit ng prof namin na photojourn ang tawag dyan.. oo tama ang 5 units na major subject na 'yon wala kaming natutunan kundi gumawa ng scrapbook.. sobrang tamad na tamad akong gumawa inuna kong magpakasaya at magpakabisyo ahaha kaya the night before nung deadline ko lang yan ginawa haha kamusta sa pagccram ko noh? natapos ako 7am na ata ng umaga..
pero naisip ko parang gusto kong gumawa ulit ng scrapbook simula dun sa unang unang naaalala ko wala lang parang masaya lang hahaha
Nakuha ko to nung cocktail party ng red batch. Nanalo ako dahil sa pagkapasaway ahaha! sabi na kasing cocktail party eh so ineexpect na ang lahat ay nakacocktail dress.. after yun ng recognition so naka-cocktail dress naman talaga lahat.. e dahil hindi ako comfy na nakadress nagbihis na ko hahaha! so sa cocktail party na yun nakapants ako..pero hindi jeans noh! hahaha so ayun nanalo ako

memory box sa loob ng memory baul.. oha organized eh kasi kung lagay ko lang lahat sa baul sobrang kalat dapat konting kalat lang.. anyway..
ung number 2 sa gilid na hindi masyadong kita ay nakuha ko sa Mcdo tagaytay nalimutan kunin nung waiter e so akin nalang haha.. klepto pala
tickets ng mga pinanood kong plays, films, at ticket din nung nag global fun kame funfunfun very hilo pag uwi dahil sa pesteng flipper ahaha
diskette, ahaha halatang kopong kopong pa eh diskette talaga, kailangan namin ng diskette para sa isang subject namin nung 2nd yr college.. so bumili ako sa bookstore sa school, kasabay kong bumuli si crushie non at at at first time ko sya marinig magsalita ahaha! ayun di naman ginamit ung diskette so tinago ko ahaha
red yarns, seniors retreat nung college (yes NUNG college feeling ko ang tanda ko na) bibigay mo yan sa taong sinosorryhan mo at sa taong gusto mong maging friend forever at maging bagong friend.. may nagbigay sakin nagulat ako talaga
green frog na bigay ni cha nung christmas haha cute cute
jagermeister thingy binigay samin nung manager ng Janero, nung mga Janero days haha..since malapit sa ABS-CBN ang Janero lagi naming binibisita yun after OJT.. hay i miss i miss.. maglalasing sa gabi at papasok sa OJT sa umaga.. gusto ko ulit ng ganung life buhay
- green egg.. san ba yan galing? haha aah alam ko na isa sa mga pinakahuling MMP yan
Marlboro Menthol uhm nagulat nalang ako nasa bag ko yan ahah matagal na kong nagquit mag yosi.. pero may natatagpuan akong mga ganyan at lighters sa bag ko dahil hindi sila pwedeng makitaan ng mga magulang nila ng ganyan ahaha

Notebook ko nung 2nd year college hanggang 3rd year... ang laki ng notebook ko ahaha pero nung 4th year lumiit na..lalo na nung second sem ng 4th year

pagbukas ko ng notebook ko jarann ranting moments with Kayc ang forever blockmate ko

Nung magulong magulong magulong birthday ni Cha..isa sa mga pinakafavorite inuman ko.. may dumaan naliligaw na San Miguel guy.. nagtanong kung san ang papuntang hindi ko alam..pinashot sya at binigyan niya kami ng mga ganyan ahahah! hindi namin alam pangalan niya di ko din maalala mukha niya hilo na ko nun eh ahahha

Merry Christmas gifts ni Jade at Piper nung first year :) orange pa favorite color ni Piper nun.. si Jade ay di pa nagddiet ng nagddiet nun..daming chocolates yey

at eto na nga yung notebook ko nung 4th year 2nd sem kung notebook ngang matatawag yan.. since maliit naman ako magsulat okay na sakin ang maliit na notebook again kung notebook ngang matatawag yan hahah! pang lahat ng subjects ko na yan haha!


at ang Jollibee planner ko nakita ko kasi si Nicnic at ang Jollibee planner niya... inggitera ako at gusto kong mag jollibee kaya bago kami magthesis nag Jollibee muna kami yung mga names names jan e galing sa kung san san..
- Dora = galing sa birthday ni Kelsey
- Filmmaker blahblah = nung film fest sa school yeheyyyy
- Pink Ribbon = sa isang talk na pinuntahan namin after thesis defense ahaha masayang talk yun promise
- Small ewan = yun lang di ko maalala ahaha isa sa mga MMP siguro or talk
- Black id = tech team ako sa theater play namin nung 3rd year
- Cinemalaya = film congress sa CCP
- Detective blahblah = isa sa fun MMP na na-attendan ko, kung san detectives kami lahat aalamin kung anung nangyari dun sa pinatay na hindi ko na maalala yung name haha basta masaya yuuun

favorite ko to kasi may sulatan ng kung anu ano every month


ganyan ako ka-organized ahahah ang gulo gulo gulo gulo oh! parang journal na ahaha! January.. ang sipag ko pa magsulat ahaha. may drawing drawing pa.. may rainbow drawing jan dahil bago ako pumasok nun sa school may nakita akong dalawang rainbows.. tapos feeling ko swerte yun then again hindi ako maswerte nung araw na yun.. oo tama dahil nawala yung phone kong isa na favorite ko kakainis malas malas..pero parang ok lang ahaha sinadya sigurong manakaw yung phone ko para makatakas sa tinatakasan. OO TAMA DEFENSE NAMIN YAN AYAYAY! Kami yung unang nagdefend ng thesis sa lahaaat dahil pabida kami at nag prisinta kami na kami na ang mauuna ahahaha!

February.. puro inuman padin at overnights.. 2 consecutive nights akong hindi natulog sa bahay dahil uminom ako at uminom ako ulit.. sobrang palaboy ahaha! ayun pag uwi ko lagot.. pero ok lang ahahah



February is a lovelove month.. month para sa happy hearts ahaha..
sinimulan ang month ng panonood ng LAST ORDER SA PENGUIN.. ahaha oo tama yung play na ginawa namin nung 2nd year "Nasan ang byuti mo?" grabe sobrang nakakatuwa yung play. Twice kong pinanood kaya dalawa yung tickets mas funny yung pangalawang nood namin sobrang tawa ko ng tawa.
Tag ng binili kong uhm anu nga bang tawag dun? di ko maalala basta si Bits.. short for bitones
Rakestra ticket, nanood kami ng UP fair ni Cha, Q, at Piper.. kahit may pasok kinabukasan.. fun fun night dahil sa bonggang bonggang gabi para sa Sandwich ayayayay! At hello balara boys and girls na wala nang mas gugulo pa ahaha! sa sobrang likot namin ni Cha napadpad kami sa may gitna kung san nagkakagulo ang mga Balara kids ayayay asim! ahaha! Traumatic pero ayun naisip ko never ko naman nang magagawa yun pag 30 na ko so ok lang ahaha!
Frenzy banana ehem bago ka mag isip ng kung ano.. sa isang MMP class namin nagkaron ng talk about safe sex so yung nagreport nung day na yun ay may dalang mga ganyan.. funny lang dahil halos lahat samin nun lang nakakita at nakahawak nyan ahaha at nagulat kami kasi amoy banana nga siya ahaha!! at dahil yung prof lang namin ang nag iisang lalake don natatawa tawa siya sa pagka ignorante naming lahat ahahah!
Black thingy ay yung pinamigay nung play ang bango bango ah infairness!!
Pink ribbon at yung galing sa beer in can.. hindi ko nasama yung sa Go nuts..pero isasama ko promise.. ayun dahil February ang month para sa mga lovers at nagkataong madami dami kaming single sa barkada naisip naming pasayahin ang mga sarili namin para hindi naman kami bitter bitteran sa araw ng mga lovers.. so nagbunutan kami kung sino ang magiging girlfriend ng sino sa hearts day.. tapos iisipan ng surprise at isusurprise sa Valentines ahaha! Si Wendy ang nakabunot sa name ko kaya ako ang isusurprise niya.. haha funny ng ginawa niya basta basta nakakatuwa.. binigyan niya ko ng cupcake, chocolate na may almonds ayayay, at redhorse in can ahahah! suweeet!
Isang malaking kung ano.. launch ng what these hands can do tama ba? hindi ko naman napuntahan dahil gumagawa ako ng comm plan..tsktsk..
Yellow ribbon happy hearts day galing kay cha..

mga stars ay galing kay Ria.. sa MMP nila.. yung picture galing kay Cha.. :)
Ayun so ang point ko masayang maglinis ng kwarto, magsinghot ng lumang alikabok at makaalala ng masasayang kung anu ano..
Naisip ko din na kesa magmukhang basurahan yung memory baul ko yung ibang pwedeng mailagay sa planner ilalagay ko nalang sa planner..tapos pagkatapos ng year ilalagay ko na pati yung planner sa memory baul ko.. ayy excited na kong bumili ng planner para sa 2009 ahaha excited na din akong magdikit ng kung anu ano.. teka parang naging year ender yung entry ko ahhaah hindi pa hindi pa excited ako masyado ahahah! sana lang wag masira yung planner ko kakadikit ko ng kung anu ano.. Speaking of,, mag uupdate pala ako ng planner na mejo hindi na nagagalaw simula nung maging tambay ako ahaha!
Labels: ako, babae, bliss, boredom, friendship, life, past
Cebu
got wasted on Jul 21, 2008; 11:42 AM
Hello Cebu? or not...
Apathy
got wasted on Jul 20, 2008; 11:09 AM
Apathy Dictionaryn.
1. Lack of interest or concern, especially regarding matters of general importance or appeal; indifference.
2. Lack of emotion or feeling; impassiveness.ThesaurusLack of emotion or interest: disinterest, impassivity, incuriosity, incuriousness, indifference, insensibility, insensibleness, lassitude, lethargy, listlessness, phlegm, stolidity, stolidness, unconcern, uninterest, unresponsiveness.Quotes about apathy"I have a very strong feeling that the opposite of love is not hate -- it's apathy. It's not giving a damn." - Leo Buscaglia"Most human beings have an infinite capacity for taking things for granted." - Aldous Huxley“The opposite of love is apathy, and hate is really the same as love. If you're so consumed by hatred for someone, you might as well be loving them, because you're thinking about them for the same amount of time.”From Answers.com
Labels: ako, babae, hate, life, love
Lightyears
got wasted on Jul 16, 2008; 12:54 AM
Eraserheads
Big deeper north of nowhere
Outside the room
Inside my mind
I, look forward to tomorrowBut can I leave yesterday behindHow it feels so strange
To have grown and change
Now it's not the same
Cause time slips and slidesInto another place and tryAs we might to understand each otherDoesn't really matter where you areIt always seems so very farCoz you're lightyears awayYou're lightyears awayFrom meLittle deeper south of somewhere
It looks much closer than it really is
I held it in my handsBut you're forever out of reachFar as the eye can seeNothing is meant to beDoesn't mean much to me
But oh,
if I only had a rocket ship to flyI'd be right there in a minuteBut it doesn't really matter where you areHowever near is still so farIt's like you're light years awayYou're light years away from medahil parin sa ulan
tama na ulan
Labels: past, song, tala
Dahil umuulan
got wasted on Jul 15, 2008; 10:18 PM
Makakabalik ka nga sa lugar pero hindi sa panahon.... lahat ng nangyare noon ay isa na lamang masayang gunita ngayon isang bintana sa kahapon na paminsan minsan ay gusto mong masulyapang muli, sabay bulong sa sarili, sana pwedeng ibalik ang mga nangyari noon...
Ayoko ng ulan... dahil malamig ginawin ako
Ayoko ng ulan... mabilis akong sipunin
Ayoko ng ulan... dahil tinatamad akong kumilos
Ayoko ng ulan... hindi ko naririnig ng maayos ang pinapanood ko
Ayoko ng ulan... dahil mahirap umalis ng bahay
Ayoko ng ulan... dahil nawawala yung mga stars sa langit
Ayoko ng ulan... lalo na kung walang alak
Ayoko ng ulan... dahil malungkot pag umuulan
Malungkot pag umuulan dahil natutulala ako
Ayokong natutulala dahil napag iisip ako ng mabuti
Ayokong nag iisip ng mabuti dahil may mga bigla akong naaalala
Ayokong may mga bigla akong naalala dahil...
Nalulungkot ako pag nakakaalala ako
Nalulungkot ako dahil siya ang naaalala ko
Ayoko ng ulan..
Ayoko ng ulan..
Ayokong matulala
Ayokong mag isip
Ayokong makaalala
Ayaw na kitang maalala
Ayoko ng ulan
Ayoko ng drama
Ayoko ng pinya
Ayoko ng melon
Ayoko ng lychee
Pero mas ayaw ko ng ulan
Labels: past, tala, ulan
Self-centeredness
got wasted on Jul 8, 2008; 3:37 PM
Name by looks: Ana.Banana.Mae.Amae.Banani
First impressions: Stiff. Maldita. Masungit. Suplada
Fashion statement: Basta comfy yun na
Fave word expression: Hay nako. Neng. Kainez (haha bading). Boo
Motto: The world spins constantly, and so does the colorwheel ;)
Simple pleasures: alcohol . lemon iced tea . ice cream . cheese . pasta . pizza . kfc . chocolate cakes . cookies . hawhaw flakes . lemon square . cashew nuts . pastillas . strawberries . chocolates . gummy worms . potato chips . green nagaraya . street foods . blue . black . green . dogs . frogs . cows . monkeys . horses . pirates . peterpan . skulls . clowns . tim burton . johnny depp . ukay - ukays . shoes . rings . beach . campings . long walks (oo copy paste haha!)
Small tick off's: ube cake or ice cream . mango ice cream . pineapple . lychee . melon . tiramisu/cake/whatever na may fruits yeuh including fruitcake dapat pag fruit fruit lang! wag makulit. japanese food . ipis . giant spiders . love love mushy stories . maingay makulit na kids na hindi cute. mabahong katabi. wind burn. bad hair days. hello giant pores day. rainy days. other people touching my feet. me touching other people's feet haha. strangers na nang sstare. insect bites.
Habituaries: saying haaay nako. making funny faces. doing peace sign.
Cravings: Chelo kebab. Spicy Keema and Pita bread. Ox brain and Pita bread. Isaw. Chiggy's Inasal. Lasagna. Yellowcab. KFC. Mcdo fries. Buttered Chicken. Baked Potato. Turon. Mc Flurry na oreo. Oreo. Hawhaw. Seafood galore. Cashew nuts. Choco glazed donuts. Cheese
Fave Ice-cream flavor: Pistachio. Cheese. Rocky Road. Vanilla
Most embarassing thing i've done: I got so drunk tas nasuka ko sa hagdan nung bar, at sumuka din ako sa bucket haha yuck
Biggest Challenge: Math. Crossing streets. Commuting. Remembering names of people and places. Remembering dates (birthdays, holidays etc.)
Addictions: Alcohol. Internet. Music. Films. Photography. TV series. DVDs. Green stuffs. Pirates. Johny Depp. Tim Burton. Skulls. E-books. Peterpan
Best childhood memory: Ligo sa ulan with siblings yehey!
Fave mascot when you were a child: Takot ako sa mascot dati eh haha!
Scariest ride: tricycle drivers in Miriam College - i second the motion!
Wildest drunk-scene you've made: the first block inuman, non-stop drinking and dancing yahoo!... cha's birthday punasan ng icing ahaha!... inuman sa katip, bahay ni nono and joan wild nights ahaha!!
Hate Day: uhm.. wala eh
Why? eh wala eh
Hideouts: My room
Routine must do's when waking up: check the time pag maaga pa tulog ulit, pag late na panic mode na.
Whats there to hate: My forgetfulness. Abot langit pride. Stubborness. Mood swings
Dillemma: tambayness
Secret Ambition: maging rockstar haha joke! own a beach resort or resto/bar.. pwede din mall hahah! pero forever ambition kong maging pirate yehey!!
Weirdest Imaginations: haha! go to neverland and be one of the lost boys ay girl pala ko pero sige na pumayag na kayo or be one of captain hook's pirates :)
Current obsessions: skulls. get togethers. pirates. johnny depp. quotes from famous people. e-books. blogging.
Future Plans: Walang plano at all hahaha
Biggest Fear: Maging tambay forever. be far from my family and friends. masagasaan pagtawid haha! death of a lovedone. rejection. blackout. rehab
High School Blues: Patintero. Barkada. Tambay. Swimming. Kalembang Tower. Hagdan hagdan. First time mag alak. and First whatevers
Love?: what about it?
Comfort Food: ice cream forever. kung drink naman anything with alcohol.
Fave movie ending: kahit ano basta hindi mabigat sa heart haha!
Soft spot: dogs. ah basta animals. small surprises. spontaneous whatevers. funny whatevers. thoughtful people, old people. cute kids. atsry fartsyness. cute green stuffs. cartoons. pirates. beach. sunset. alak.
When angry i like to: stay quiet. drink alone or with friends basta drink. or rant rant rant. write
When i am happy i like to: talk a lot. laugh. sing out loud. smile. greet strangers. get drunk. get hyper.
Silly things i like doing: getting drunk and wasted. saying weird things. making fun of myself haha!. singing out loud. making funny gestures.
Secret talent: stalking people hahaha.. sneezing mga more than 10 times sunud sunod ahahhaha
Secret Powers: ayy ang korni ko wala akong maisip babalikan kita promise yan
Must have hair cut: gusto ko ng pixie hair, kaya lang di bagay sakin
Random confession: I sleep talk...pwede na ba yun?
Your Instrument: guitar... pero nakalimutan ko na yata pano
My Nature: people person. laugh laugh laugh. fun fun fun. bow
How can you tell its me: it's for you to figure out
Labels: ako, wala lang
JIM MORRISON QUOTES
got wasted on Jul 6, 2008; 6:53 PM
“I think of myself as an intelligent, sensitive human being with the soul of a clown which always forces me to blow it at the most important moments.”
“People are afraid of themselves, of their own reality; their feelings most of all. People talk about how great love is, but that's bullshit. Love hurts. Feelings are disturbing. People are taught that pain is evil and dangerous. How can they deal with love if they're afraid to feel? Pain is meant to wake us up. People try to hide their pain. But they're wrong. Pain is something to carry, like a radio. You feel your strength in the experience of pain. It's all in how you carry it. That's what matters. Pain is a feeling. Your feelings are a part of you. Your own reality. If you feel ashamed of them, and hide them, you're letting society destroy your reality. You should stand up for your right to feel your pain.”
“I see myself as a huge fiery comet, a shooting star. Everyone stops, points up and gasps "Oh look at that!" Then- whoosh, and I'm gone...and they'll never see anything like it ever again... and they won't be able to forget me- ever.”
“That's what real love amounts to- letting a person be what he really is. Most people love you for who you pretend to be. To keep their love, you keep pretending- performing. You get to love your pretence. It's true, we're locked in an image, an act-”
“Expose yourself to your deepest fear; after that, fear has no power, and the fear of freedom shrinks and vanishes. You are free.”
“The most important kind of freedom is to be what you really are. You trade in your reality for a role. You trade in your sense for an act. You give up your ability to feel, and in exchange, put on a mask. There can't be any large-scale revolution until there's a personal revolution, on and individual level. It's got to happen inside first. You can take away a man's political freedom and you won't hurt him- unless you take away his freedom to feel. That can destroy him. That kind of freedom can't be granted. Nobody can win it for you.”
“People fear death even more than pain. It's strange that they fear death. Life hurts a lot more than death. At the point of death, the pain is over. Yeah, I guess it is a friend...”
“Death makes angels of us all and gives us wings where we had shoulders smooth as ravens claws.”
“The most loving parents and relatives commit murder with smiles on their faces. They force us to destroy the person we really are: a subtle kind of murder.”
“I wouldn't mind dying in a plane crash. It'd be a good way to go. I don't want to die in my sleep, or of old age, or OD...I want to feel what it's like. I want to taste it, hear it, smell it. Death is only going to happen to you once; I don't want to miss it.”
“I think the highest and lowest points are the important ones. Anything else is just...in between. I want the freedom to try everything.”
We fear violence less than our own feelings. Personal, private, solitary pain is more terrifying than what anyone else can inflict.”
“Being drunk is a good disguise. I drink so I can talk to assholes. This includes me.”
“There are things known, and there are things unknown, And in between are the Doors”
“Let's just say I was testing the bounds of reality. I was curious to see what would happen. That's all it was: curiosity.”
"Listen, real poetry doesn't say anything; it just ticks off the possibilities. Opens all doors. You can walk through anyone that suits you.”
“How can I set free anyone who doesn't have the guts to stand up alone and declare his own freedom? I think it's a lie – people claim they want to be free – everybody insists that freedom is what they want the most, the most sacred and precious thing a man can possess. But that's bullshit! People are terrified to be set free – they hold on to their chains. They fight anyone who tries to break those chains. It's their security…How can they expect me or anyone else to set them free if they don't really want to be free?”
- JIM MORRISON
Labels: quote, wala lang
Kailangan na ng guinea pigs at hamsters sa bahay na to
got wasted on Jul 4, 2008; 12:33 PM
Malapit nang maging boring ang bahay na 'to.. hindi 'tong blog ko ang tinutukoy ko kundi yung totoong bahay mismo...
Siguro simula next week pagkakamalan nanamang abandonadong bahay ang bahay namin.. kagaya nga ng nakwento ko sa luma kong blog.. napagkakamalang haunted house ang bahay namin hindi daw nila nakikita masyado yung mga taong nakatira dito.. bukod pa don laging sarado yung mga bintana ng bahay, at puro yung malalaking aso lang namin ang nakikita nila.
Nung isang beses pa nga.. umagang umaga nagpapatugtog ng napakalakas yung kapitbahay namin as in akala mo may concert sa tabi ng tenga mo.. pinuntahan ni ate ata? di ko maalala basta pinahinaan nila kasi nga maaga pa yun at may natutulog pa samin.. ang sabi ba naman ng kapitbahay "Ay akala ko kasi soundproof yung bahay niyo" ay? baliw..
Anyway, balik sa dating topic... simula next week boring na ang bahay.. Actually nagsisimula na nga siyang maging boring ngayon pa lang..
Umalis na si Daddy papuntang Cebu... hinatid namin siya sa airport nung isang araw. Dun siya magsstay dahil nga sa bagong company na itinayo niya don.. So kung uuwi man siya dito siguro bakasyon bakasyon lang.
Since kailangang irenovate, pagandahin, iayos ayon sa theme yung building na gagawing office nila Daddy... kailangan ang talent ni Mommy.. so baka bukas, or sa sunday e sumunod na si Mommy dun. May katagalan yun dahil may kalakihan din yung irerenovate, so malamang sa malamang ay aabutin siya dun ng isang b'wan o mahigit.
Pagkatapos ng mahabang panahon ng pag rerest ni Ate M. at pag mamasteral (na hindi pa pala niya tapos ang thesis niya) ay balik trabaho na ulit siya. Start na ng work niya sa Monday so malamang mula pag gising ko e wala na siya at uuwi siya ng gabi na.
Si Ate O. naman medyo namimiss ko na ang kaartehan haha joke... ay nasa malayo kung san may disyerto at mga kamelyo... kung san may eroplano at mapulang lipstick.. Gumising man ako ng maaga o hindi man ako gumising maghapon, hindi ko talaga siya makikita.
Si Kuya, ay tila border simula pa dati... Kung umalis man siya o magstay sa bahay.. walang pinagkaiba dahil kapag nandito siya maghapon magdamag siyang nakaharap sa laptop at naglalaro ng Dead Awaken kung hindi ako nagkakamali... Minsan naman kapag nandito siya kasama niya si Baby kaya parang wala din sila.. Kapag wala naman siya.. ahaha teka lang ah parang naguguluhan ako sa sinasabi ko.. ok game.. pag wala naman siya nasa review center siya (oo 'di matapos tapos na review para sa ECE Board exam.. sino ba gumagawa ng exam na yun sasaksakin ko pahirap eh) at kadalasan 'di din naman siya umuuwi.
Si Abie na nasa "pagrerebelde/pagpapasaway" stage niya palang ay palagi din wala dahil sa school.. At pag uwi niya naman busy siya sa assignment niya at sa pag iinternet.. Isa pa yun kapag naharap sa laptop at nagchachat na ay hindi na makausap ng matino.. Hindi rin naman siya makausap ng matino kahit wala siyang ginagawa kasi nga nasa "pagrerebelde/pagpapasaway/matured na ko wag kang magulo" stage na siya.. So kung hindi ka niya pipilosopohin ay susungitan ka niya ng todong todo haha!! At by the way minsan e nagkukulong lang siya sa kanyang kwarto emo emohan ahahha!
Sino pa ba?.. Si Ash naman hmm ewan ko lang kung tapos na sa decomposition stage.. haha namimiss ko na si Ash..
Si Ate Lynda... si Ate Lynda ay palaging busy kay BIONIKA haha para sa impormasyon ng nakararami si Bionika ang bida ng paborito niyang radio drama.. meron pa siyang isa pang favorite e.. nakalimutan ko na yung title.. Anyway, si Ate Lynda ay pumupunta dito tuwing umaga para magluto, maglaba, maglinis tapos uuwi siya ng mga 5 or 6... Funny siya sobra, mukhang kontrabida pero major comedyante.. pero gaya nga ng sabi ko busy siya palagi kay Bionika.. At madalas siya nangangarap sa likodbahay kapiling si Bionika..
At ako... hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko at sa boring na bahay na 'to simula next week. Pero nitong mga nakaraan e lahat ng mag imbita ng inuman basta malapit at may bantay sa bahay go ako. At syempre pala kapag may pera.. teka naisip ko.. hindi na ko pwedeng hindi umuwi... at umuwi ng madaling araw simula next week dahil sa lahat ng mga nakasulat sa taas.. oh no! Bakit nila 'to ginagawa? Hahaha ay teka sasagutin ko yung tanong ko... Ginagawa nila yan dahil wala namang choice eh..Bum ka, ikaw lang ang hindi busy.. AWTS! Sabi ko na nga ba dapat sinipot ko yung mga interviews eh.. Hahaha! Alam ko na dapat na talaga kong maghanap ng work, gumising ng maaga, sumipot sa interviews, umiwas sa sakit... dahil kung hindi mamamatay ako VB VB VB VB VB VB VERY BORING!
Hay nako.. yung feeling ko ngayon.. parang lahat ng nasa paligid ko ang biliiiiiis biliiiiiis biliiiiis tapos ako nakastop lang... lahat busy ako lang hindi..
Tapos kanina naisip ko.. siguro ganto yung feeling ni Peterpan nung iniwan siya ni Wendy at ng Lost boys sa Neverland.. but atleast he has tinkerbell and he can fly.. hahaha wait sorry naimagine ko si Ate Lynda naka-tinkerbell costume ahahahahhahahh shet!
Hay nako siguro dapat bumili ako ng madaming guinea pigs o kaya hamsters tapos sa umaga papakawalan ko sa iba't ibang parts ng bahay... tapos maghapon hahanapin ko sila tapos ikukulong ulit tas kinabukasan ganun ulit.. pamatay bagot lang hahaha
Labels: ako, family, rants