Burned-out
got wasted on Nov 12, 2008; 10:06 PM
Minsan humihiling tayo sa langit ng mga bagay na akala nating makakapagpasaya sa'tin. Gabi-gabi dinadasal mo na sana ibigay sayo yung pinakaaasam mong bagay.
Sabi nila kung para sa'yo talaga ang isang bagay, ibibigay sa'yo yun anu't ano man ang mangyari.
Pero pano kung isang araw ibigay sa'yo yung bagay na pinakaaasam mo. Yung bagay na gabi-gabi mong sinasama sa mga dasal mo, yung bagay na akala mo ngang makakapagpasaya sa'yo...
Tapos sa kalgitnaan ng akala mong kasiyahan, maiisip mo... gusto mo nga ba talaga yan? Bakit hindi ka naman masaya? Bakit ka nahihirapan? Bakit ka naiiyak? Bakit parang biglang ayaw mo na?
Ilang araw ko na din talagang pinag iisipan kung masaya pa nga ba ko. Unang araw palang yata naramdaman ko nang nahihirapan ako, at hindi ako masyadong nasisiyahan. Pero sabi ko sa sarili ko, tingnan ko muna baka hirap lang akong mag-adjust. Ilang weeks na nakalipas.. at habang tumatagal mas lalo kong narerealize at nararamdaman na hindi na nga ako masaya.
Kanina nag text ako kay Daddy. "Hindi na ko masaya sa ginagawa ko, baka hindi ko nalang ituloy 'to" sabi ko. Sabi naman niya "Cge".
Pero iniisip ko, ano nang gagawin ko sa buhay ko pagkatapos? Mag-aral? Maghanap ng ibang trabaho? O ituloy ko na yung business ni Daddy?..
Sa mga oras na 'to hinihiling kong huminto ang lahat maliban sa'kin, para naman magkaron ako ng oras na mag-isip.
Ito ang pinakaayaw ko sa lahat.
Yung pipigilan mong matulog sa gabi sa pag-aakala mong mapipigilan nito yung bukas.
O kaya naman pipilitin mong matulog at hihilingin mong wag ka na sanang magising sa mga susunod pang bukas.
Over na ko sa ganyang stage ng buhay ko eh.
Nahanap ko na yung kasiyahang hinahanap ko nuon, nawala na naman ngayon.
Pagod ako..
Pagod na talaga..
oras. panahon
Hintayin mo naman ako kahit saglit lang. Huminto ka muna habang inaalam ko kung anu ngang dapat kong gawin sa buhay.
ako.
Bilisan mong mag-isip hindi dahil ka hihintayin ng panahon. Pumili ka at matuto kang panindigan yung mga desisyong ginagawa mo sa buhay.
IKAW.
Bakit Mo 'to binigay sa'kin kung hindi ko naman pala ikasisiya. Ay hiniling ko nga pala. Para sa'kin ba talaga to? O binigay Mo lang 'to dahil hiniling ko? Tulungan Mo kong makita ang lesson sa likod ng lahat ng nangyayari na 'to. Tulungan Mo rin akong maialis yung sarili ko dito at mahanap at makuha kung anu man yung ikasisiya ko talaga, yung hindi ko pagsisisihan sa huli.. kung hindi naman, wag Mo na kong gisingin bukas.
Labels: ako, career, damned, hate, life, regrets