Chopsuey
got wasted on Jun 13, 2008; 1:50 AM
Pasensya na, isa nanaman 'to sa madaming chopsuey entry ko. Pero may main sahog 'to maniwala ka.. at try kong magfocus lang sa main sahog ng chopsuey entry na to hahaha!
Anyway... ayun na nga, ang buhay ay puno ng surpresa very gasgas, I know. Minsan akala mo natakasan mo na silang lahat, tapos isang araw kakatok nalang ulit sila sa buhay mo nakangiti habang sinsasabing "Hello andito ulit ako, sinong nagsabi sayo na matatakasan mo ako?". Sabi nga ng Jollibee commercial... "Babalik, bumabalik, bumalik!"... tapos ding! ding! ding! Time warp...
Balik sa luksong baka days. Hello sa mga panahong patok na patok ang Ghost Fighter. Mga panahong ang candy na benson ay mabibili mo sa paligid ligid na tindahan. At ang usong usong mga tugtog sa jolog jeepneys ay hindi remix ng Low, o Beautiful girls, hindi din si Gloc 9 kundi dandararan ready ka na ba?? Banyo Queen. In short balik sa later years ng 90's.
Pero di yung mga usong bagay nung late 90's ang point ko eh.
Alam mo yung feeling na may pelikula kang napanood nung bata ka... tapos sa paglipas ng panahon malilimutan mo na may nag exist palang pelikulang ganun..tapos isang araw may makikita kang dvd or vcd nung pelikula na yun.. oo as in yun na yun hindi yung remake..yun original mismo...as in same movie na napanood mo jurassic years ago..(mag - oo ka na lang kunwari nagets mo ). Tapos habang pinapanood mo yung pelikulang yun, biglang magrereplay sa'yo lahat ng nangyari nung araw na pinanood mo yun, pati yung naramdaman mo nung moment na pinanood mo yun bigla mong mararamdaman ulit. Kakaiba yung feeling... awkward na mejo comfy. Nostalgic.
Awkward kasi may mga tao at memories na ayaw mo na sanang maalala pero di mo naman makalimutan,yun bang mga "sana di ko ginawa to" "sana di ko nakilala si ganto" "sana di nangyari to"... at ang nakakaasar pa nian lalong di mo makakalimutan kasi nandyan inihain nanaman sa harap mo lahat...
Comfy kasi may magagandang memories na hinding hindi mo gustong burahin sa isip mo, mga taong never mong gugustuhing kalimutan. Mga taong kasama mong maglaro ng luksong tinik habang naghihintay ng service. Mga kasama mo simula nung kabataan days mo hanggang sa teenage years hanggang sa early adulthood..
So ano nga bang point ko talaga? Ang gulo ko noh? haha walangya naman oh.. ang hirap eh.. di ko malapatan ng salita yung naffeel ko at ung nasa isip ko...
Basta parang ganto.. Kahit anong gawin mo hindi mo mapipili yung mga memories na magsstay sa isip mo.. hinding hindi mo masasabing "Ay ayokong maalala to, tapon na to.." 'Di mo nalang basta basta pwedeng talikuran lahat kahit anong mangyari.. Kaya yung mga memories na hindi mo gustong maalala dahil uhm masakit... nakakalungkot.. nakakahiya... nakakapanlumo... nakakagalit e forever na magsstay sayo unless mauntog ka ng bonggang bongga at pati pangalan mo e malimutan mo na.
You can never throw away your past... kaya DEAL WITH IT!
Gaano kalalim mo man ibaon ang kahapon, machachambahan at machachambahan din yan ng alon...



Labels: ako, past