When it rains it pours
got wasted on Jun 24, 2008; 3:48 PM
Sa kakaiwas kakaiwas ko sa mga bagay na ayaw ko nang balikan... jarannn sila tuloy ang bumisita sa'kin hahah! Ang nakakatawa pa niyan e halos sabay sabay silang lahat nag hehello sakin ngayon.
Akalain mo nga naman noh? Siguro dahil sobrang bilis ng takbo ng buhay ko nung past few years...fast forward ako ng fast forward kaya ayun sumuko ang player at mag isa na syang nagrewind... kaya surprise!!! back to kopong kopong days at not so kopong kopong days ako ahaha! sana nagegets niyo ang mga sinasabi ko noh? hahah! kasi ako mejo hindi na ang gulo gulo kasi talaga hahah!
Sinasadya nga siguro ni Papa Lord na maging bum ako (hahah whatever Ana) para magkaron ako ng madaming time para harapin yung mga pinaiwas iwasan kong mga bagay... At ngayon dahil bum ako I have all the time in the world para manuod ng mga replays ng buhay ko... hay nakakaloka lang talaga.. at nakakatawa akalain mo para lang silang kabuteng nagsusulputan ngayon?
Pero dati nasusuka ko pag naaalala ko sila... parang nightmare ganun... haha pero ngayon natatawa nalang ako ahahaha! shet anu ba to ang labo ahaha
susubukan kong ayusin ang entry na 'to promise yan haha
Labels: friendship, past, wala lang